MAGPAPATUPAD ang Department of Agriculture (DA) ng P58 per kilo maximum suggested retail price (SRP) sa imported na bigas simula Enero 20.
“This MSRP aims to strike a delicate balance between business sustainability and the welfare of consumers and farmers,” pahayag ni Tiu Laurel sa isang press statement.
”We must ensure the price of rice is fair and affordable even as we make sure that the rice industry remains profitable. We cannot allow the greed of a few to jeopardize the well-being of an entire nation,” ayon pa kay Tiu Laurel.
Aniya, itong ipatutupad sa Metro Manila, pagkatapos ay rerebyuhin buwan-buwan upang ikonsidera ang ilang salik, kabilang ang global price ng bigas.
Sinabi ni Laurel na nagpasya ang pamahalaan sa SRP makaraang konsultahin ang mga importer, retailer, ahensiya ng pamahalaan, law enforcement bodies, at iba pang rice industry stakeholders.
“Based on our calculations, using data and profit margins provided by importers and retailers, imported 5 percent broken rice should not exceed P58 per kilo,” sabi ni Tiu.
“For rice with a higher percentage of broken grains, the price should be much lower,” dagdag pa niya.
Sa datos ng DA, ang rice import volume ng bansa ay umabot sa record high na 4.7 million metric tons noong 2024.
Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang biglang pagtaas sa rice imports ay dahil sa ilang salik.
“Una mababa ‘yung lokal na production. Nagkaroon ng mababang taripa isang factor din ‘yun.
Pangalawa dahil mababa na ‘yung taripa tapos mahigpit, matindi ‘yung mga aksiyon natin sa smuggling. Nawala ang insentibo para mag-smuggle pa ng bigas sa ating bansa,” sabi ni De Mesa.
Nauna nang sinabi ng DA na plano nitong magpatupad ng MSRP para sa imported na bigas upang tugunan ang isyu ng umano’y profiteering.
Inatasan na ni Tiu Laurel ang Food Terminals Inc. (FTI), isang government corporation sa ilalim ng DA, na simulan ang pagbebenta ng bigas sa pamamagitan ng KADIWA ng Pangulo centers at kiosks.
Ang rice options ay kinabibilangan ng 5% broken (RFA5) sa P45 per kilo, 25% broken (RFA25) sa P40, at 100% broken (RFA100), na tinatawag ding Sulit Rice, sa P36 per kilo.
“Rice stored by the National Food Authority (NFA) for at least two months, will be made available for resale to local government units in Metro Manila at P38 per kilo,” ayon pa sa DA.
Ang inisyatibang ito ay makatutulong sa NFA na i-clear ang kanilang mga bodega bilang paghahanda sa darating na anihan. MA. LUISA MACABUHAY- GARCIA