PINAPURIHAN ni Agrarian Reform Secretary Brother John Castriciones ang DAR provincial office ng Davao de Oro sa personal na pag-aabot ng mga titulo ng lupa sa 252 magsasaka ng Davao National Agricultural School-Technical Education and Skills Authority (DNAS-TESDA) sa Barangay Prosperidad, Montevista.
Ang 350 certificates of land ownership award (CLOAs), na may kabuuang 236.83 ektarya ng lupain, ay personal na inihatid sa kabahayan ng mga magsasaka na natukoy bilang mga kwalipikadong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa 250-ektaryang government-owned land sa bayan ng Montevista.
Ang paghahatid ng titulo ay isinagawa sa ilalim ng “Serbisyong DAR to DOOR,”, isa sa mga pangunahing programa ni Brother John, kung saan personal niyang ipinagkakaloob ang mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa harapan mismo ng kanilang mga tahanan o bukid, upang mapaigting ang pamimigay ng titulo ng lupa sa magsasaka sa gitna ng pandemyang COVID-19.
“Napag-alaman ko na sa 30 taon, ang mga ARBs na ito ay nagtatanim sa mga lupaing ito ng mga puno ng saging, cacao at falcata, at naisip namin na bigyan sila ng gantimpala sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ang lupaing ito at personal na iabot ang mga titulo ng lupa sa kanilang mga pamamahay,” ani Brother John.
Ayon namn kay OIC-Assistant Regional Director Melchor Jamora, ang mga lupain ay naipamahagi sa pamamagitan ng Executive Order No. 75 (EO 75), series of 2019, na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 2019.
“Ito ang kauna-unahang government-owned land sa Rehiyon ng Davao na isinailalim sa EO 75 kung kaya mabilis nating naiayos ang pagkuha at pamamahagi ng lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP),” ani Jamora.
Sinabi naman ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Jupiter Arandela Jr. na ang DNAS-TESDA ay magbibigay muli sa DAR ng kabuuang 192-ektarya ng lupain mula sa Barangay Camansi at ito ay ipamamahagi rin sa iba pang matutukoy na ARBs.
Ang Barangay Prosperidad sa Montevista ay isa sa mga prayoridad na barangay ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) at ang DAR ang isa sa mga nangungunang ahensiya na nagbibigay kontribusyon upang magkaroon ng pagbabago sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa sa mga residente sa kanayunan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
993466 530935Hello there! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 55753
732810 800345Currently truly do not stop eating because there is but the decision that you will transform into. Work from your home us rrs often a fad for that who wants to earn money but nonetheless enough time requires most substantial occasions employing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 657786
783188 443518Water-resistant our wales in advance of when numerous planking. The certain wales surely are a selection of heavy duty snowboards that this height ones would be exactly the same in principle as a new shell planking having said that with a lot more height to assist you thrust outward in the evening planking. planking 113960