(Ipinanawagan ng food manufacturers, bakers) PRICE HIKE SA TINAPAY, SARDINAS

NANAWAGAN ang mga food manufacturer at baker sa Department of Trade and Industry (DTI) ng dagdag-presyo sa sardinas at tinapay, kapwa itinuturing na staple food ng maraming Pilipino.

Ayon sa mga grupo, noon pa dapat nagpatupad ng price hikes sa sardinas at tinapay.

Napag-alaman na itinutulak ng Sardines Association of the Philippines ang hanggang P3 taas-presyo sa sardinas.

“Nag-increase ng minimum wage, tapos ang [presyo ng] gasolina up and down… Fish was only costing less than, about P21, P22. Ngayon, over P30, mag P40 na ata eh ang isda,” sabi ni CSAP spokesperson Bombit Buencamino.

“’Yun aming hinihinging P3 noong araw, about two years ago, was never granted… and that forced closure of some suspension of operation of some plants,” dagdag pa niya.

Humihingi naman ang grupong PhilBaking ng P5 price increase sa Pinoy tasty bread at pandesal matapos ang mahigit isa’t kalahating taon ng fixed prices. Ayon sa mga baker, nahihirapan silang i-subsidize ang halaga ng murang tinapay.