(Ipinapupursige sa gobyerno) TRABAHO ‘DI LANG BASTA AYUDA

win Gatchalian

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na pagsumikapang magbigay ng trabaho sa milyon-milyong jobless na ang karamihan ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa mahigpit na quarantine restrictions.

Isinusulong din ni Gatchalian ang pagsasagawa ng retooling programs upang mabigyan sila ng sapat na kakayahan at kaalaman para sa mga trabahong nakadisenyo para sa new normal.

“Trabaho, hindi lang basta ayuda, ang dapat ipursige ng pamahalaan para masiguro na maitatawid ng marami nating kababayan ang mga arawang pangangailangan nang pangmatagalan,” sabi ni Gatchalian.

Sa pinakahuling labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 3.44 milyon noong Marso mula sa 4.19 milyon noong Pebrero ang bilang ng mga nawalan ng trabaho. Ngunit nagbabala si Gatchalian na maaaring tumaas ulit ang unemployment rate sa darating na mga buwan dahil sa pagpapatupad ng pinaigting na health protocols lalo na sa National Capital Region (NCR) Plus simula noong Marso 29 hanggang Mayo 15.

Para sa short and medium term, sinabi ni Gatchalian na may 6,000 pang kakailanganing contract tracers sa NCR habang ang mga proyektong pang-imprastraktura ay makapagbibigay ng 1.7 milyon na trabaho ngayong taon at karagdagang 1.5 milyon sa susunod na taon.

Iginiit din ng senador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga retooling program para maihanda ang mga papasok sa job market sa mga trabahong nangangailangan ng kasanayan para sa new normal, halimbawa ang paggamit ng makabagong teknolohiya.

Ang paglulunsad ng mga training program ay makakatulong din, aniya, sa pagtaas ng gastusin ng gobyerno na makadaragdag sa Gross Domestic Product (GDP) o ang kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na siyang batayan ng lagay ng ekonomiya ng bansa.

“Maraming empleyado ang walang digital skills. Kailangan silang bigyan ng pagkakataon na matuto lalo na yaong mga tinatawag na low-skilled dahil mas magiging competitive ang isang negosyo kung may mga kaalaman at kasanayang ganito ang kanilang mga empleyado,” paliwanag ni Gatchalian. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Ipinapupursige sa gobyerno) TRABAHO ‘DI LANG BASTA AYUDA”

  1. 840448 543636Im often to blogging and i in actual fact respect your content. The piece has in fact peaks my interest. Im going to bookmark your content material and preserve checking for brand new data. 298642

  2. 683862 968154Id want to verify with you here. Which is not one thing I typically do! I take pleasure in reading a submit that will make individuals believe. Additionally, thanks for permitting me to remark! 163323

  3. 798652 981869Your talent is truly appreciated!! Thank you. You saved me a lot of frustration. I switched from Joomla to Drupal to the WordPress platform and Ive fully embraced WordPress. Its so much easier and easier to tweak. Anyway, thanks once again. Awesome domain! 610770

Comments are closed.