(Ipinatupad ng DA dahil sa banta ng bird flu)POULTRY IMPORT BAN SA JAPAN, HUNGARY, CA

BIRD FLU

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng poultry products mula sa Japan, Hungary, at California dahil sa banta ng bird flu.

May petsang November 23, ang DA Memorandum Orders (MO) No. 69, 70, at 71 ay nilagdaan ni Undersecretary Domingo Panganiban.

Sa ilalim ng Memorandum Orders, pansamantalang ipinagbabawal ang importasyon ng domestic at wild birds at mga produkto nito, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen mula sa naturang mga lugar.

Agad ding sinuspinde ng DA ang pagproseso, ebalwasyon ng aplikasyon at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance para sa nabanggit na mga produkto.

“However, shipments from Japan and Hungary that are already in transit or have been loaded or accepted in ports before notice of the MO was given to Japanese and Hungarian authorities shall be allowed entry as long as the products were slaughtered or produced on or before October 12, 2022,” ayon sa DA.

Ang mga shipment na magmumula sa California na nasa biyahe na o ikinarga o tinanggap na sa ports bago ang official communication ng MO sa US authorities ay papayagan din sa kondisyon na ang mga produkto ay kinatay o prinodyus on or before August 4.

Ayon sa DA, ang mga produkto na hindi nakatutugon sa mgq kondisyon sa MO at inangkat o ipinasok sa Pilipinas ay kukumpiskahin o wawasakin, o ibabalik sa bansang pinanggalingan nito, o dadalhin sa third country, alinsunod sa DA Administrative Order 9 Section 10 Section VII. D.

Hindi naman apektado ang suplay sa bansa ng temporary ban dahil may sapat itong manok hanggang sa Pasko, ayon sa United Broilers Raisers Association (UBRA).