NAGPATUPAD ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa ba- sic goods sa mga lugar sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill mula sa MT Princess Empress oil tanker.
Ayon sa DTI, sakop ng price freeze ang basic necessities sa mga bayan ng Pola, Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao sa Oriental Mindoro, na isinailalim sa state of calamity.
“Pursuant to Section 6 of RA 7581 or the Price Act as amended, the prices of basic necessities under DTI’s jurisdiction are automatically frozen at their prevailing prices effective March 6, 2023, but not more than 60 days,” ayon sa DTI.
Saklaw ng price freeze ang mga produkto gaya ng canned fish at iba pang marine products, processed milk (evaporated, condenses and powdered milk), coffee, laundry detergent/soap, candles, bread (tasty at pandesal), iodized salt, instant noodles, at bottled water.
“DTI Oriental Mindoro is currently conducting intensified price and supply monitoring of basic necessities under the Departments jurisdiction,” ayon pa sa ahensiya.
Ang mga lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo ng isa hanggang 10 taon o multang P5,000 hanggang P1 million, o pareho sa diskresyon ng korte.