(Ipinatupad sa Albay sa gitna ng pag-aalboroto ng Mayon) PRICE FREEZE SA BASIC GOODS

MAYON-1

NAGPATUPAD ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa basic commodities sa Albay sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

“Prices of basic commodities are automatically frozen at its prevailing prices for the period of 60 days unless sooner lifted,” nakasaad sa memorandum ng DTI na may petsang June 9, at inilabas noong June 10.

“Warning is hereby given that any violations shall be dealt with accordingly,” ayon pa sa memo.

Ang basic commodities ay kinabibilangan ng bigas, tinapay, mantika, sabong panlaba, kandila, gamot na klinasipika ng health department bilang essential, bottled water, fresh meat, at fresh, dried at canned fish.

Nauna rito ay idineklara ng Albay local government ang state of calamity sa lalawigan.

Sinabi ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman sa The Source ng CNN Philippines na ang state of calamity ay magpapahintulot sa lokal na pamahalaan na magpalabas ng quick response funds para tulungan ang mga apektadong residente.