(Irerekomenda ng UAAP) BMD PARUSA SA UST TIGERS

UST

BUMUO na ang UAAP Board of Managing Directors (BMD) ng posibleng kaparusahan na ipapataw sa UST Growling Tigers dahil sa umano’y pagsasagawa training bubble sa Capuy, Sorsogon sa gitna ng pandemya.

Ang penalties ay napagkasunduan matapos ang mahaba-habang diskusyon sa pagpupulong ng board noong Huwebes.

Gayunman ay tumanggi ang BMD na sabihin kung ano ang mga kaparusahang ito.

“The UAAP understands the gravity of the matter as it concerns the safety and well-being of student-athletes of a member-school. Out of re-spect to the member-school concerned and the decision-making process of the BOT (Board of Trustees), recommendations of the BMD cannot be made public at the moment,” sabi ng  board.

Nilinaw rin ng board na ang sanctions ay rekomendasyon lamang at ang BOT ang may pinal na kapasiyahan sa bagay na ito.

Inaasahang magpupulong ang UAAP BOT, na binubuo ng mga presidente ng member-schools, sa lalong madaling panahon para pag-usapan ang naturang rekomendasyon para sa final approval.

Bilang isang amateur, ang   Growling Tigers ay hindi pinapayagang mag-ensayo sa gitna ng pandemya kaya ang pagsasagawa ng bubble ay isang paglabag sa quarantine protocols. (PNA)

Comments are closed.