PANGUNGUNAHAN ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11313 o kilala sa tawag na “Bawal Bastos” Law ngayong umaga na gaganapin sa Crowne Plaza sa Ortigas Center.
Inorganisa ng Philippine Commission on Women (PCW) ang nasabing signing ceremony na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Commission on Human Rights (CHR) at Civil Service Commission (CSC).
Aniya, mababago ang mentalidad ng mga Filipino sa kanilang pag-uugali partikular ang ginagawang pambabatos sa mga kalye at komunidad kapag umiiral na ang nasabing batas.
Si Hontiveros ang principal author at sponsor ng nasabing batas sa Senado at chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. VICKY CERVALES
Comments are closed.