(Isa kabilang sa ‘357 drug cop list’) 7 METRO COPS POSITIBO SA DROGA

drug test

TAGUIG CITY – PITONG pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO)  kabilang ang isang junior officer ang nagpositibong gumagamit ng ilegal na droga matapos na isa­lang sa random drug testing.

Sa 31 tauhan ng NCRPO, 22 lamang sa mga ito ang sumailalim sa nasabing drug testing na napag-alaman na isa sa mga ito ay kabilang  357 nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid pa na umaabot sa 6,000 pulis ang isinailalim sa random drug testing simula noong Oktubre 2019 hanggang Pebrero ngayong taon.

Ayon kay Police Major Gen. Debold Sinas, hepe ng Metro Manila Police, kasama sa pitong nagpositibo ang isang sarhento na kabilang din sa drug watchlist na inilabas ng PNP nitong buwan at isang police lieutenant mula sa Muntinlupa.

Ani Sinas, dinisarmahan na nila ang mga pulis na nagpositibo sa droga at isasailalim na sa pre-charge investigation para sa kasong administratibo.

Kaugnay nito, sinabi ni Sinas na nasa 300 pulis pa ang iniimbestigahan din dahil sa pagkakadawit ng kanilang mga pangalan sa ilegal na droga. REA SARMIENTO/MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.