ISA NA LANG SA BEERMEN

BEERMEN

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs NorthPort

6:45 p.m. – Phoenix vs Alaska

SUMANDAL ang defending Philippine Cup champion San Miguel Beer sa mainit na atake sa last quarter upang maungusan ang mortal na karibal na Talk  ‘N Text, 80-78, sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinal duel kagabi sa Mall of Asia Arena.

Hindi naging madali ang panalo ng Beermen kung saan kinailangan nila ang late heroics ni five-time MVP June Mar Fajardo upang lumapit sa semifinals.

“I have to commend all my players for their efforts. They played well and defended well,” sabi ni coach Leo Austria.

Umiskor si Fajardo ng limang sunod na puntos,  kasama ang follow-up sa mintis ni Chris Ross sa huling dalawang minuti matapos na palitan si ­Filipino-German Christian Starhardinger upang ibigay ang panalo sa SMB.

Sa pagkatalo ay nalagay ang semifinal campaign ng Tropang Texters sa balag ng alanganin at kung mamalasin ay sasamahan ang sister teams Meralco at NLEX sa maagang bakasyon.

Isang malaking dagok ang nalasap ng TNT sa kamay ng kanilang dating manlalaro na si Terrence Romeo na umiskor ng 15 points, kasama ang tatlong tres sa anim na attempts,  dalawang rebounds at dalawang assists, upang tanghaling ‘best player of the game’.

“Ginamit ko lahat ang nalalaman ko sa basketball para manalo ang team ko. Talagang naglaro ako nang husto para manalo, salamat hindi kami nabigo,” wika ni Romeo.

Tumawag si team consultant Mark Dickel ng timeout sa huling 2.2 seconds. Subalit ang tres na ibinato ni Robert Pogoy ay sumablay kasabay ng final buzzer upang maitakas ng SMB ang panalo.

Lamang ang TNT sa third period at nagbantang kunin ang panalo. Subalit nawala sa focus ang Tropang Texters at na-outshot ng Beermen sa last quarter sa kabayanihan nina Fajardo, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter upang mabasura ang game-high 23 points ni Troy Rosario.

Bukod sa pagtulong sa opensiba, hindi pinaiskor ni Chris Ross si ace gunner Jayson Castro sa huling tatlong minuto.                                              CLYDE MARIANO

Iskor:

San Miguel (80) – Lassiter 15, Fajardo 15, Romeo 15, Cabagnot 12, Santos 8, Ross 6, Standahrdinger 5, Rosser 2, Pessumal 2, Nabong 0.

TNT (78) – Rosario 23, Pogoy 16, Trollano 11, Williams 9, Taha 8, Castro 8, Reyes 2, A. Semerad 1, Carey 0, Heruela 0, D. Semerad 0, Washington 0.

QS:13-22, 39-46, 60-65, 80-78.

Comments are closed.