ISABELA-MULING isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigang ito dahil na rin sa biglang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Gayunpaman, ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi kasama sa ipatutupad na GCQ ang lungsod ng Santiago.
Paliwanag ni Roque, mismong si Isabela Governor Rodito Albano ang humiling sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force na muling higpitan ang quarantine status ng lalawigan.
Sinabi pa nito, tatagal hanggang sa Disyembre 31 ang muling pag-iral ng GCQ sa lalawigan. DWIZ 882
Comments are closed.