ISABELA- NAGBABALA si Governor Rodito Albano sa kanyang mga constituent na kung patuloy na magpapasaway ang mga ito ay mapipilitan itong ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong lalawigan nito.
Dahil dito, nakikiusap ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na sumunod sa mga panuntunan at health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing para mahadlangan ang patuloy na pagtaas ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na nang mga opisyales ng Isabela na pangunguna ni Albano na kung patuloy na lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang lalawigan ay mapipilitang isailalim ito sa ECQ, kabilang ang bayan ng Gamu at Tumauini, Isabela na kalapit na Ilagan City.
Ayon kay Albano, sa kanyang pagmomonitor sa mga bayan partikular sa Tumauini ay nakita nito mismo ang ilang mga pasaway na hindi sumusunod ipinatutupad na health protocols na kung saan ang iba umano ay mga nakahubad pa.
Nauna rito, inaprubahan ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) ang pagdedeklara ng ECQ sa Lungsod ng Ilagan kung saan ay pormal nang naidulog sa National Inter-Agency Task Force (NIATF) naturang kahilingan.
Kaya’t sinabi ng gobernador na bukas sila sa posibleng pagpapalawig sa ECQ ngunit nakasalalay pa rin ito sa mga maitatalang kaso ng COVID-19 sa mga darating na araw at rekomendasyon ng NIATF. IRENE GONZALES
Comments are closed.