Masayang get-together ng SM scholars sa Cebu
DAHIL sa kani-kanilang sipag at pagpupursige sa pag-aaral, isang hakbang sa pagtupad ng kanilang pangarap ang nakamit sa pamamagitan ng scholarship program ng SM.
Kilalanin ang dalawa sa mga bagong iskolar ng SM Foundation, Inc., ang social good arm ng SM group, na ang isa ay mula sa Technological University of the Philippines (TUP) – Visayas at ang isa ay mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Manila.
Nalaman ni Necole Ira Bautista, mula sa TUP-Visayas, ang tungkol sa scholarship program ng SM sa kakilala ng kaniyang nanay. Dahil dito, nabuhayan siya ng loob at pag-asa para maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
“Noong narinig ko mula sa kaibigan ng aking ina ang tungkol sa iba’t ibang oportunidad at life-altering benefits mula sa SM Foundation scholarship program, napuno ako agad ng determinasyon at pagasa. Dahil dito, lalo ko pang inexplore ‘yung programa para makapag submit ng application,” kuwento ni Necole.
Dahil na rin sa kaniyang determinasyon at pangarap, kaya pinagbubutihan niya ang kaniyang pag-aaral. Sa tulong ng kanyang scholarship, hangad pa niyang hasain ang kaniyang communication skills dahil higit niya umanong maipararating nang malinaw ang kaniyang mga ideya at mapalawak ang kaniyang kapasidad.
“Ang pagtanggap ng iskolarsip ng SM ay hindi lamang nagpalakas ng aking kumpiyansa ngunit nagbago rin ang aking pananaw sa buhay unibersidad. Ipinaalala nito sa akin na ang pagsusumikap ay nagbubunga at ang bawat pagkakataon ay dapat samantalahin sa loob ng apat na taon ko sa kolehiyo. Mulo dito, pinagtibay ko ang isang bagong mindset na “Just go, fight!” at “Take every opportunity to improve myself!” dagdag ng bagong SM scholar.
Bukod dito, nais niyang ipagpatuloy ang pagiging aktibo sa pagtulong sa komunidad sa pamamagitan ng pag-volunteer sa iba’t ibang organisasyon: “Kaya’t itinuring kong mahalaga na magboluntaryo ng aking oras sa iba’t ibang organisasyon na kaugnay sa aking mga prinsipyo at paniniwala.”
‘Magiging SM scholar ako’
Nasa early junior high pa lang si El John Niña Morano, ng PUP-Manila, alam na niya ang tungkol sa scholarship program ng SMFI kaya nang maging college siya, sinimulan niya agad ang proseso ng paga-apply bilang iskolar.
“Kaya’t Grade 12 pa lang ako, nagsimula na akong mag-scout ng mga scholarships na aapply-an dahil medyo worried kami sa pagpapaaral ng family sa akin sa college dahil nag-iistruggle kami financially,” simulang kuwento ni El John.
“SMFI’s scholarship program was on top of my list. Nalaman ko ang tungkol dito noon pang early junior high school ako—Grade 6. Noon pa lang, gusto ko na maging recipient ng programang ito,” sabi ni El John.
Gaano man kahirap ang prosesong pinagdaanan para makasali sa scholarship program, hindi nag-atubili si El John na asikasuhin ang mga requirements na kailangan. Sabay siyang nagreview para sa college admission tests at exam ng SM scholarship program na ang tanging iniisip, “Magiging SM scholar ako!”
“Siguro ang pinakamahirap na napagdaanan ko sa application process is the exam. Kasabay ng pag-rereview ko for different college admission tests, isa rin sa goal ng pag-rereview ko ay ang exam for SM scholarship,” pag-alala ni El John.
Kahit pa puno ng determinasyon at pagpupursige na mapabilang sa scholarship program, batid ni El John na marami pa siyang matututunan na higit na makatutulong sa kaniyang sarili lalo na pakikisalamuha sa kapwa sa napakaraming pagkakataon na ibibigay ng programa.
“I really look forward to the limitless opportunities ahead of me. As early as now, I look forward to expanding my network, gaining more skills, and experiencing teamwork with my fellow SM sholars, which will help build my interpersonal skills,” ayon pa kay El John.
Dahil sa ganitong programa ng SM, maagang nahuhubog ang lakas ng loob at determinasyon ni El John para makamit ang kaniyang mga pangarap. Kasama rin ang pagiging postibo sa pagharap sa hamon ng buhay at ang maging kasiya-kasiya sa kaniyang mga magulang.
“With the help of SM, I am determined to work hard for my dreams. I now have a more positive outlook in life because I want to make my family proud. In the process, I would like to represent SM. I want to show na magagaling ang SM scholars. I look forward to strengthening this formed partnership with SM Foundation in pursuing my dreams,” masayang kuwento ng scholar.
Sina Necole Ira Bautista at El John Niña Morano ay dalawa lamang sa napakaraming recipient ng SM Scholarship Program ngayong school year na ang tanging baon ay pangarap—pangarap na hindi kayang nakawin ninuman, pangarap na tanging hangad ni “Tatang” Henry Sy, Sr. para sa mga kabataang kaparat-dapat mabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanilang mithiin sa buhay.
-CRIS GALIT