(Part 2)
UULITIN ko po, hindi salita lang, back-up ng totoong gawa, matatag na akomplisment, ‘yan si presidential aspirant, Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
May malinaw, may patibay at kongkreto, nakikita at napakikinabangan ng taumbayan ang mga mensahe ni Aksyon Demokratiko standard bearer Yorme Isko.
Mas pinaniniwalaan ang platapormang iniaalok ni Yorme Isko sa mamamayang Pilipino at ito, ang mabilis na umaakit, mas mabilis na pinagkakatiwalaan ng mga botante.
Hindi motherhood statements, hindi boladas, lalong hindi pangako – kundi mga pangako na kaya, magagawa at matutupad.
Kitang-kita na ang magagandang bunga, nadarama na ang mabilis na pag-akyat ng numero, at magbabago pa ang trend sa mga susunod na linggo at pagpasok ng buwan Marso at tuloy-tuloy na ito hanggang mismong araw ng eleksiyon.
***
Tama si Sir Lito Banayo: Clear cut, may proof ang ginawa ni Yorme sa Maynila at ito ay marereplicate sa buong bansa.
Wala pang three years, kaysigla, kayganda ng Maynila at ito ay nagawa ni Kois at magagawa rin niya kasi, maayos, siguradong magagawa ang mga programa ng gobyerno ng administrasyong Moreno.
Matapang si Yorme Isko, kahit saang forum, usapan, debate o talakayan, ever ready siya na humarap sa bayan at sa mga katunggali sa halalan. Laging dala ni Yorme ang kanyang yagbols, kahit saan mang labanan.
Paano magtitiwala ang mga botante kung “takbuhin” sa totoong laban ang mga nagpapanggap na lider at nais pagkaisahin ang bayan?
Sabi nga niya, kung siya ang Pangulo, di siya papayag na i-harass sa ating teritoryo ang mangingisdang Pilipino, at handa siyang habulin ang sinomang magtatangkang gipitin, palayasin at perwisyuhin ang Pilipino.
***
Proof pa: Sabi ni Yorme Isko , kung sabihin ng ICC na “guilty’ raw si Presidente Rodrigo Duterte, hindi niya ito isusuko sa poder ng dayuhan, at sa ating hustisya, sa ating hukuman pananagutin.
E si Madam Lu, aba ibibigay raw niya si Duterte sa ICC at hahayaang i-prosecute ng dayuhan.
Kung kailangang imbestigahan si Duterte o ang sinomang Pilipino sa paratang na krimen at kasalanan sa mamamayang Pilipino, dito sa ating korte, hindi sa ibang bansa dapat na papanagutin.
***
Tama lang sa isang may paninindigang lider ng bansa na igiit ang soberenya natin sa WPS at ito ang ipinangakong paninindigan ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko.
Uunahin niya ang kalayaan natin na makapangisda at kung itaboy, takutin at guluhin, sinabi ni Yorme Isko na maglalagay siya ng pwersang dagat na poprotekta sa ating mangingisda.
Sa miting niya noon sa mangingisda ng Zambales, naramdaman ni Isko ang hirap na dinaranas ng mangingisda – sila ay itinataboy, pinasasabugan ng bombang tubig at binabarako ng mga sundalong militia ng China.
Nangyayaring ang nahuli nilang isda – na pantawid gutom ng pamilya ay kinukumpiska, kalakip ang bantang wag nang bumalik pa at tigilan na ang pangingisda sa lugar na noon ay malaya na napangingisdaan.
Kung siya ang pangulo, hindi siya papapayag na maulit ang nangyaring pambabarako, ipinangako ni Yorme Isko na pangangalagaan niya ang kaligtasan ng ating mangingisda.
Upang malayang makapangisda sa WPS, ipinangako ni Yorme Isko na isa sa gagawin niya ay palakasin ang puwersang nabal ng Philippine Navy at ng Philippine Coast Guard.
Alam ni Isko ang mahina nating lakas militar at inamin na hindi natin sa ngayon makakayang sumabak sa isang digmaan sa pagtatanggol sa ating karagatan laban sa China.
Hindi natin kaya ang lakas pandagat ng China, pero kahit ano pa ang mangyari, ilalaban niya, sabi ni Yorme Isko ang soberenya ng Pilipinas sa kahit anong bansa na nais tayong sakupin.
Ito ang katangian ng panunungkulang kailangan natin ngayon, isang lideratong hindi papayag na isuko ang ating karapatan at soberenya bilang isang demokrasya at malayang bansa.
***
Tama ang sinabi ni Sir Lito Banayo, kailangan may paninindigan at matapang ang isang nais maging pangulo.
Isang matapang na lider na tulad ni Yorme Isko ang gusto ng mamamayang Pilipino!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa [email protected].