AABOT sa isang toneladang karneng hindi dumaan sa accredited na katayan ang nasabat ng National Meat Inspection Service o NMIS sa isang pamilihan sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Dr. Ferdinand Lontoc, Director ng NMIS Region IV-A, nakatakdang sunugin ang mga nakumpiskang karne.
Ipinagmalaki naman ni Lontoc na mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan ay umabot na sa higit 20 operasyon ang kanilang naisagawa sa rehiyon.
Babala ng NMIS, sasampahan na nila ng kaukulang kaso ang mga paulit-ulit na nagbebenta ng hot meat at mishandled na karne. GILBERT PERDEZ
Comments are closed.