(Isinusulong ng BSP) DIGITAL NA AGINALDO

BAGAMA’T patuloy na naglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng malulutong na pera para sa holiday season, nanawagan ito sa publiko na ikonsidera ang pagpapadala ng aguinaldo sa pamamagitan ng digital.

Sa isang advisory, sinabi ng BSP na patuloy itong nag-iisyu ng mga bagong banknotes na maaaring ipagpalit ng publiko sa mga luma upang ipang-aginaldo.

Ayon sa central bank, nag-iisyu rin ito ng lower-denomination banknotes sa likod ng hindi pangkaraniwang mataas na demand. “The BSP also encourages the public to consider using digital or electronic money in sending cash gifts to their godchildren, friends, and family members,” sabi ng BSP. “Sending e-money is a safer and more convenient way of gift-giving for both the givers and the recipients,” dagdag pa nito.  Sa datos ng  BSP ay may 324 million e-money accounts  —  na maaaring gamitib para sa may digital payments at monetary gifts — sa bansa hanggang noong katapusan ng Setyembre.  “The BSP urges the public to exercise vigilance against parties exchanging banknotes for a fee. Exchanging banknotes through banks is free of charge,” ayon pa sa BSP. Magugunitang nagpalabas ang BSP ng kaparehong advisory noong 2022 holiday season.