(Isinusulong sa Kamara) DAGDAG-BENEPISYO, ALLOWANCE  SA HEALTH WORKERS

Alfred Vargas

INIHAIN ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang dagdag na allowances at benepisyo sa health care workers lalo na sa panahon na may public health emergency.

Sa House Bill 10331 o ang Allowances and Benefits for Health Care Workers Act, pagkakalooban ng dagdag na allowances at mga benepisyo ang health care workers sa panahon ng pandemya gaya ngayong COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga benepisyo ang P1 million na “just compensation” na ibibigay sa pamilya ng health care workers na namatay sa pagtupad sa tungkulin, gayundin ang dagdag na P100,000 allowance kapag nagkasakit ng severe COVID-19 at P15,000 para sa mild o moderate na COVID-19 case.

Kasama rin sa dagdag na benepisyo ang fixed na buwanang special risk allowance (SRA), PhilHealth coverage para sa lahat ng gastusin sa pagpapagamot, gayundin ang pagbibigay ng life insurance, allowance para sa accommodation, transportasyon at pagkain.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, entitled lang sa hazard pay ang public health workers.

Umaasa ang kongresista na agad aaprubahan ang panukalang batas upang mabigyan ng mas maayos na working condition at mahikayat ang mga health care worker na magsilbi sa bansa ng mas mahabang panahon dahil makikita nilang prayoridad ng pamahalaan ang kanilang kapakanan at pangangailangan. CONDE BATAC

21 thoughts on “(Isinusulong sa Kamara) DAGDAG-BENEPISYO, ALLOWANCE  SA HEALTH WORKERS”

  1. 781812 101295Excellent day! This post could not be written any much better! Reading this post reminds me of my previous room mate! He always kept chatting about this. I will forward this write-up to him. Fairly certain he will have a very good read. Thanks for sharing! 480809

Comments are closed.