(Isinusulong sa Kamara) DAGDAG-BENEPISYO SA PUBLIC HEALTH WORKERS

HEALTH WORKERS

UPANG higit na masuklian ang hirap at malaking kontribusyon ng government medical frontliners, isinusulong ni KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo ang pag-amyenda sa Republic Act 9127 o ang Magna Carta of Public Health Workers.

Sa kanyang inihaing House Bill No. 9127, binigyang-diin ni Salo na ang pagbalangkas ng RA 9127 ay isang crucial milestone sa pagkilala sa tungkulin at responsibilidad na ginagampanan sa lipunan ng mga public health worker.

“However, the passage of more than three decades necessitates an update to reflect the changing times and to ensure that our public health workers are justly compensated for their tireless efforts,” sabi ng kongresista.

“RA No. 7305, enacted on March 26, 1992, represented a significant step forward at the time, the bill’s provisions have become outdated in light of the evolving economic landscape,” dagdag ni Salo, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Kabilang sa mga ipinapanukala ng House panel head sa pag-amyenda sa Magna Carta of Public Health Workers ay ang across-the-board 25% hazard allowance sa lahat ng government medical personnel.

“Public health workers shall be given 25% hazard allowance across the board, regardless of salary grade. As it currently stands, only public health workers below salary grade 20 are receiving the 25% hazard pay. Those with salary grade 20 or higher only receive 5% hazard allowance,” ayon pa kay Salo.

Bukod dito, pinabibigyan din ng kongresista ng subsistence allowance na P300 ang mga public health worker, na unti-unting itataas hanggang P500. Maging ang laundry allowance ng mga state medical staff ay inirekomenda ni Salo na gawing P1,000 per month, mula sa napakaliit na halaga na P125 na kanilang tinatanggap sa ngayon.

-ROMER R. BUTUYAN