SA HARAP ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, dalawang panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong taasan ang diskuwento na ibinibigay sa senior citizens at persons with disability o PWDs.
Sa House Bill Nos. 8627 at 8628, na kapwa inihain ni Agusan del Norte 2nd Dist. Rep. Dale Corvera, iminumungkahi niya na mula sa kasalukuyang 5% ay gawing 8.5% ang diskuwento ng senior citizens at PWDs sa pagbili ng basic commodities.
Paggigiit ng kongresista, na siya ring vice-chairperson ng House Committee on Mindanao Affairs, mula noong 2008 kung saan unang ipinatupad ang senior citizens’ discount, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay tumaas na ng 70 porsiyento.
“We have to take note that 8.5% is still conservative, owing to the fact that the discount for senior citizens were acknowledged in 2005 or three (3) years earlier with that of the PWDs”, pagbibigay-diin ni Corvera.
“The increased discount rate will not gravely impact the bottom line of retailers engaged in the business of selling consumer products directly to consumers since the establishments that grant discounts to PWDs and Senior Citizens are entitled to deduct the said sales discount from their gross income subject to reasonable and easy to comply conditions pursuant to relevant BIR revenue regulations,” dagdag pa niya.
Sinabi ng Agusan del Norte solon na nakapaloob din sa kasalukuyang batas na ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ay binigyan ng kapangyarihan sa pagtukoy sa discount rate para sa pagbili ng PWDs at senior citizens alinman sa hanay ng tinaguriang basic commodities.
Subalit paniniwala ni Corvera, maaaring magkaroon ng magkaibang pananaw ang dalawang nabanggit na ahensiya kaya naman ipinapanukala rin niya na alisin na lamang ang discretionary power ng mga ito sa pagtatakda ng naturang discount rate,
“The measures provide the automatic periodic review of the discount rate every three years to avoid being overwhelmed by inflation and for Congress to have a comprehensive basis for adjusting the discount rate when necessary,” ang mungkahi pa ng kongresista.
-ROMER R. BUTUYAN