(Isinusulong sa Kamara) LIBRENG MEDICAL CHECK-UP

check up

UPANG masiguro ang pagkakaroon ng malu- sog na pangangatawan o maayos na kalusugan at hanggang maaga ay maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit ng bawat Pil- ipino, iminungkahi ni House Committee on Health Vice Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang pagkakaloob ng libreng blood sugar at cholesterol tests at maging ng taunang medical check-up.

Pagbibigay-diin ni Reyes, naniniwala siya na karapatan ng lahat ng mamamayang Pil- ipino na mapangalagaan ng pamahalaan ang kanilang kalusugan hindi lamang sa aspeto ng pagtanggap ng mahusay na serbisyong medikal.

Kaya naman isa sa mga panukulang batas na pangunahing isinusulong ng Anakalusugan party-list ang iniakda ni Reyes na House Bill No. 0430, na naglalayong mabigyan ng free check-up, kabilang ang blood chemistry at sugar tests, ang bawat Pilipino kada taon.

“Isa sa mga pangunahing batas na aming isinusulong ay ang pagkakaroon ng libreng general check-up para sa lahat,” sabi pa ni Reyes.

“Lubhang mahalaga po ito sa amin sa AnaKalusugan sapagkat naniniwala kami na ito ay karapatan nating lahat,” dagdag pa niya.

Samantala, isang taon makalipas ang kanyang panunungkulan, umaabot sa 28 medical missions, kung saan mahigit sa 8,000 indibidwal ang nabenepisyuhan, ang naisagawa ni Reyes at ng buong organisasyon ng Anakalusugan party-list.

“Nitong nakalipas na isang taon, isang medical mission kada 2 linggo ang natapos ng AnaKalusugan Party-list. Nakaka-isang taon na po tayo noong May 8 at tuloy-tuloy lang po ang ating serbisyo sa ating mga kababayan,” sabi pa ng mambabatas.

-ROMER R. BUTUYAN