IPINANUKALA sa Kamara ang pagkakaloob ng P2,000 monthly government subsidy para sa mga magulang ng children with disabilities (CWD).
Tinukoy sa House Bill 6743 ang pag-aaral na isinagawa ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lumitaw na ang halaga ng pagpapalaki sa isang CWD ay 40 hanggang 80 percent na mas mataas sa households na may mga anak na walang kapansanan.
Saklaw ng bill ang CWD na may edad 21 years old and below na may physical o mental impairment. Minamandato rin nito ang paglikha ng database ng lahat ng CWD.
Nakasaad sa panukala ang paglalaan ng P2 billion para sa unang taon ng pagpapatupad ng programa.