IGINIIT ni Senadora Risa Hontiveros na dapat isama ang COVID-19 sa occupational diseases para makatanggap ang mga empleyado ng kompensasyon sakaling tamaan ng virus.
Ayon kay Hontiveros, dapat na aksiyunan ito ng gobyerno lalo na’t may posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang mga empleyado sa trabaho.
“Workplaces and mass transportation are the new ‘hot spots’ of virus transmission. Dapat nang aksiyunan ng gobyerno ang panawagan na gawing ‘occupational disease’ ang COVID-19 to ensure that the workers who will contract the disease while at work or in transit will be compensated under the national policy for employment injury benefits,” pahayag niya.
Dagdag ni Hontiveros, hindi ang mga checkpoint at curfew ang magliligtas sa mga empleyado laban sa virus.
“Pinabalik ang manggagawa sa trabaho pero kulang na kulang ang pag-aalagang ibinibigay ng gobyerno. Huwag natin silang tratuhing parang imortal. Hindi curfew o checkpoints ang kailangang kundi garantisadong proteksiyon sakaling mahagip o tamaan sila ng virus.”
Aniya, hindi pa naman huli ang lahat at maaari pang “ituwid ang pagkakamali.”
“Hindi pa huli ang lahat para ituwid ang pagkakamali. Huwag lang puro lip service ang ‘excellent’ performance. Kung magpapatuloy ito, itinutulak lang ang mga manggagawa sa bingit ng walang katapusang pangamba, sakripisyo at pagkagutom.”
Kamakailan ay naghain si Hontiveros ng Balik-Trabahong Ligtas bill sa Senado para sa kaligtasan ng mga manggagawa sa pagbabalik nila sa trabaho. LIZA SORIANO
329034 670523You need to indulge in a contest for one of the greatest blogs more than the internet. Ill suggest this internet website! 197754