(Isinusulong sa Senado) TAX CUTS SA WFH WORKERS

Win Gatchalian

BILANG pakunsuwelo sa mga naka-work from home (WFH) na nadagdagan ng gastos sa online setup at madalas ma-stress dahil hanggang ngayon ay nag-aadjust pa rin sa new normal, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian na bawasan sila ng buwis.

Sa First Annual Work Trend Index survey ng Microsoft na lumabas noong Enero at nilahukan ng higit sa 30,000 full-time o kaya ay self-employed na mga manggagawa sa 31 bansa kasama ang Filipinas, 42% ang nagsabing kinukulang pa rin sila ng mga gamit pang-opisina kahit isang taon na ang nakalipas magmula nang mag-work from home sila.

Isa sa 10 ang nagsabing hindi sapat ang kanilang internet connection para makapagtrabaho, samantalang 46% naman ang nagsabing hindi sila tinutulungan ng mga employer nila sa kanilang mga gastusing may kinalaman sa kanilang trabaho.

Sa naturang survey, lumabas din na 63% ng mga empleyado sa Filipinas ay nagsabing overworked sila samantalang 31% ang nagsabing pagod na pagod sila sa trabaho.

Sa survey naman ng Jobstreet.comPhilippines na isinagawa noong nakaraang 10 buwan, nasa 75% ang nagsabi na hindi sila binigyan ng re-imbursement o allowance man lang ng kanilang pinapasukang kompanya para punan ang gastusin nila sa koryente at internet samantalang nasa 87% naman ang nagsabing dapat akuin ng mga employer nila ang mga ginagastos nila sa pagtatrabaho sa bahay. Nasa 38% ang nagsabi na nabawasan ang kanilang kita dahil sa gastos nila sa paggamit ng internet.

Sinabi ni Gatchalian na maaaring mapunan ang ilan sa kanilang pangangailangan kung bibigyan sila ng tax deductions katulad ng P25 na bawas sa kanilang taxable income sa bawat oras na ginugugol sa WFH arrangement. Ang kabuuang bawas sa kanilang taxable income ay mag-dudulot ng mas mataas na take-home pay.

Bukod dito, ipinanukala rin ng senador na ang ilang benepisyo o allowance na natatanggap nila sa kompanya na hindi lalagpas sa P2,000 kada buwan ay huwag nang buwisan.

“Ang mga tax deductions na ito ay malaking bagay na para sa maraming empleyado upang punan ang mga gastusin nila sa koryente, internet connectivity fees at iba pang may kinalaman sa kanilang trabaho,” ani Gatchalian.

Ang mga panukalang nabanggit ng senador ay nakapaloob sa Senate Bill No. 1706 o ang Tax Incentives for Individuals on a Work-From-Home or Telecommuting Program kung saan isa sa may akda si Gatchalian.

Sa nasabi ring panukala, may probisyon na magbibigay ng karagdagang 50% na bawas sa income tax ng mga employer para sa  allowances ng mga empleyado nila na sakop ng batas. Ito’y upang ma-engganyo ang mga employer na magbigay ng mga karagdagang allowance sa kanilang mga empleyado. VICKY CERVALES

98 thoughts on “(Isinusulong sa Senado) TAX CUTS SA WFH WORKERS”

  1. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Prescription Drug Information, Interactions & Side. https://amoxicillins.com/ amoxicillin 500mg capsule buy online
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Generic Name.

  2. Everything information about medication. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://clomiphenes.online can you buy clomid no prescription
    Generic Name. What side effects can this medication cause?

  3. Medicament prescribing information. drug information and news for professionals and consumers.
    ed meds online
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  4. Read information now. Everything what you want to know about pills.
    https://canadianfast.online/# dog antibiotics without vet prescription
    drug information and news for professionals and consumers. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  5. drug information and news for professionals and consumers. safe and effective drugs are available.
    https://tadalafil1st.online/# cialis generic overnite
    Definitive journal of drugs and therapeutics. drug information and news for professionals and consumers.

  6. Thanks for the helpful posting. It is also my belief that mesothelioma has an particularly long latency phase, which means that indication of the disease won’t emerge right until 30 to 50 years after the initial exposure to asbestos. Pleural mesothelioma, that is certainly the most common style and impacts the area across the lungs, will cause shortness of breath, chest pains, and a persistent cough, which may bring about coughing up blood.

  7. Commonly Used Drugs Charts. drug information and news for professionals and consumers.
    https://tadalafil1st.online/# tadalafil for sale in canada
    What side effects can this medication cause? Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  8. F*ckin? tremendous things here. I am very glad to see your post. Thanks a lot and i am looking forward to contact you. Will you please drop me a mail?

Comments are closed.