(Isinusulong sa Senado) UNIFIED VAX CARDS SA TRABAHO

vaccine card

ITINUTULAK ni Senadora Grace Poe ang pagpapalawak ng saklaw ng vaccine card para mas makagalaw ang mga bakunado nang indibidwal at maging madali para sa overseas Filipino workers (OFWs) ang makabiyahe para sa kanilang trabaho.

“Ngayong muli na namang ipinatupad ang dalawang linggong lockdown, kailangang magkaroon ng recovery plan sa ekonomiya para hindi magsara ang mga negosyo at hindi mawalan ng trabaho ang mga tao sa gitna ng pandemya,”ani Poe.

Nauna nang naghain si Poe ng Senate Bill No. 2321 na layong palawakin ang coverage ng vaccine card mula sa pagiging purong informative record tungo sa isang kinikilalang dokumento kung saan ang fully vaccinated na indibidwal ay maaaring gamitin ito bilang requirement abroad o sa domestic travel, alinsunod sa regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Dahil ‘informative’ lang ang katangian ng vaccine card tulad ng nakasaad sa batas, nananatiling hindi ito sapat na ‘proof of in-oculation’ para payagan ang mga mamamayang makabiyahe lalo na ang OFWs na kailangang umalis ng Pilipinas para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Nakasaad sa Parag. B ng IATF Resolution No. 120, series 2021, na ang isang fully vaccinated na indibidwal ay dapat magkaroon ng vaccination card at certificate na inisyu ng Department of Information and Communications Technology o City Health Officer ng local government unit na siyang namahala sa huling dose na kailangan para sa full vaccination.

“Pinapagaan ng ating mga OFW ang hagupit sa ekonomiya ng pandemya at ngayo’y pinahihirapan natin silang kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-obliga sa kanila ng dalawang magkaibang dokumentong iisa naman ang layunin,” sabi pa ng senadora. VICKY CERVALES

117 thoughts on “(Isinusulong sa Senado) UNIFIED VAX CARDS SA TRABAHO”

Comments are closed.