(Isinusulong sa Senado)PROTEKSIYON SA DELIVERY RIDERS VS HOAX ORDERS

MALAKING tulong para sa mga delivery rider at driver ng mga online business na nabiktima ng hoax orders ang inihaing panukalang batas ni Senador Robin Padilla para tiyakin na mababayaran sila ng delivery service providers kung nagkaroon ng cancellation sa confirmed orders.

Layon din ng Senate Bill 1385 na patawan ng mabigat na parusa ang mga gagawa ng hoax orders at unjustified cancellations, at pati na rin ang mga tatangging tanggapin ang mga unpaid order.

“The predicament of our food and delivery service workers from unjustified cancellation and hoax orders amid the soaring fuel prices has put them in a very challenging state. To make matters worse, the drivers are left with no recourse in some instances as the perpetrator uses fraudulent means such as fake names and contact details,” ani Padilla sa kanyang panukalang batas.

“The proposed measure ensures that riders are paid in full by the delivery service provider in cases wherein there is a cancellation of confirmed orders. More so, it mandates proper customer registration with mobile phone applications, websites or other platforms by providing valid proof of identity and residential address,” dagdag pa niya

Aniya, bagaman malaki ang oportunidad para magkatrabaho ang delivery rider at driver ng mga online transactions, nabibiktima sila ng cancellation ng confirmed orders, hoax orders, at pagtanggi ng customer na tanggapin ang orders.

Ipinunto niya na ayon sa isang survey ng Institute of Labor Services noong 2021, 90% ng 100 food and service delivery riders ay nakaranas ng “canceled” food orders o package delivery requests. Sa ganitong sitwasyon, kailangang mag-abono ang rider ng P441.14.

Mandato rin ng panukalang batas ang customer registration sa mobile phone applications, websites at ibang platforms sa pamamagitan ng pagbigay ng valid proof of identity and residential address; at mabigat na parusa sa mga lalabag.

Sa ilalim ng panukalang batas, babayaran ng delivery service provider ang rider o driver kung na-cancel ang confirmed order. Dapat gawin ang pagbayad sa araw ng pag-cancel.

Kailangan ding tiyakin ng delivery service providers na magbigay ang customers ng valid proof of identity and residential address bago mag-register. Ang pagproseso ng personal information ay dapat sang-ayon sa Data Privacy Act of 2012.

Kulong na hanggang tatlong buwan o multa na hanggang P100,000 ang ipapataw na parusa laban sa mga:
* gagamit ng personal information ng ibang tao
* gagawa ng hoax order gamit ang pekeng pangalan, address o contact number
* tatanggi sa pagtanggap ng unpaid order

Ang mga delivery service provider ay babawian ng lisensiya o permit kung hindi nila babayaran ang rider o driver sa parehong araw na ma-cancel ang confirmed order.

VICKY CERVALES