NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magkakaroon ng lugar o base ang Islamic State (ISIS) saan mang lugar sa Filipinas.
Kasabay nito ay nagpahayag ng kagalakan ang Pangulo sa pinakahuling accomplishment ng militar laban sa mga teroristang grupo sa Mindanao sa ginanap na paggunita ng ika-77 taong Araw ng Kagitingan na ginanap noong Martes, Abril 9, sa military camp sa Busbus, Jolo, Sulu.
“I am especially pleased with our military’s recent accomplishments against the Abu Sayyaf Group. Your efforts have brought us even closer to our ultimate objective of totally crushing the violent extremism at its roots. With this, I can confidently declare that ISIS will never gain foothold anywhere in the Philippines,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati.
Ayon sa Pangulo, sinadya niyang gunitain ang tinaguriang “Day of Valor” sa Jolo sa halip na dumalo sa makasaysayang pag-diriwang ng okasyon sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.
“And I purposely – I come here on the Araw ng Kagitingan. All the Filipinos deserve the title ‘kagitingan (valor).’ But here in Jolo, you’re the best. That’s why to the gallant men of Jolo, you have my everlasting gratitude for what you are doing to our country,” giit ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, magpapatuloy ang mas pinaigting na pagtugis ng mga militar sa mga miyembro ng ASG na nagpahayag ng pakikipag-alyansa sa ISIS.
Nangako rin ang chief executive na magpapatuloy ang pagpapatupad ng military modernization program.
“We are doing everything to ensure that our military personnel will be able to perform their mandate efficiently and to the best of their ability. We will therefore continue to implement the AFP (Armed Forces of the Philippines) Modernization Program even as we remain committed in looking after the welfare of our men and women in uniform,” sabi pa ng Pangulo.
“And while we may no longer face the same enemy that the heroes of Bataan faced 77 years ago, we must nonetheless be as strong as they were able in facing overwhelming odds,” giit pa niya.
Noong Lunes, dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napatay sa sagupaan sa pagitan ng teroristang grupo at ng militar sa Patikul, Sulu.
Kabilang sa mga nasawi ay isang alyas ‘Barak Ingog” isa sa pinaniniwalaang facilitator sa naganap na twin bombing sa Jolo, Sulu noong nakaraang Enero na ikinamatay ng 23 katao at ikinasugat ng iba pa at isang Nasser Sawadjaan, pamangkin ni ASG leader na si Hatib Hajan Sawadjaan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.