ISKO MAGSASALITA SA INT’L FORUM ON AIR SA SEOUL 

Mayor Isko Moreno

NAKATAKDANG magbigay ng kanyang talumpati si Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ngayong umaga sa harap ng iba’t ibang kinatawan ng bansa sa International  Forum on Air ng National Council on Climate and Air Quality na nakabase sa Seoul, South Korea.

Ang karangalang magbigay ng talumpati sa international community ay bunga ng imbitasyong ipinadala kay Moreno ni dating  United Nations (UN) Secretary General Ban Kimoon.

Nabatid pa na si Moreno ay naanyayahan ding magsa­lita sa luncheon meeting  kung saan ang dating UN Secretary General ang siyang punong abala.

Ang pagtitipong ito ay dadaluhan ng mga kilalang international leader.

Kabilang sa mga inanyayahang speakers para sa dalawang pagtitipon ang da­ting Prime Minister ng South Korea, China’s Minister of Environment, Mongolia’s Minister of Environment and Tourism at dating UN Sec General.

Si Moreno ay dumating kahapon sa Incheon International Airport via PR 446 ganap na ala-5:30 ng umaga.VERLIN RUIZ