TULOY-TULOY ngayon ang natatangap na mga pagbabanta ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang buhay na pinaniniwalaang bunsod ng ginagawa nitong paghalukay at pagrebisa sa mga nagdaang transaksiyon ng pamahlaang lungsod.
Sa ginawa nitong pahayag sa ginanap na awarding ceremony sa Makati City kung saan siya inimbitahang maging guest speaker, sinabi ni Moreno na ipinagkikibit balikat nito ang mga ganitong threats na dahil wala na umanong mawawala sa kanya.
‘These are the kinds of text (messages) na ‘di mo gustong matanggap on a daily basis. May pinarerekisa kasi ako kaya ako nakakatanggap ng ganyang text. Ang sa ‘kin naman, I have nothing to lose kasi galing ako sa wala. Para sa akin, made na ako. I’m already part of history. Wala na akong mahihiling pa sa Panginoon,’ ani Moreno.
Hindi umano hahayaan ng alkalde na sirain ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang magagandang plano niya para sa Maynila. Layunin ni Isko Moreno na itodo ang kanyang pagsusumikap gamit ang kabataan ang political capital na nakamit niya para gawin ang lungsod na pinakamainam na lugar para panirahan sa nalalabing araw ng kanyang termino.
Natutuwa ang akalde sa inaaning pasasalamat at pagkilala ng pamahalaang lungsod at ngayon ay nakatutok siya sa magtuloy tuloy ang mga programang kanya ng nailatag.
Nanawagan ang alkalde sa mga Manilenyo na tulungan ang city government at pairalin ang diwa ng volunteerism sa pamamagitan ng paggawa ng tama at wasto nang hindi sinasabihan o inuutusan.
Magugunitang nagsimulang makatangap ng mga death threats si Moreno pagsisimula pa lamang ng kanyang inilunsad na clearing operations sa mga bangketa at mga pampublikong lugar kung saan nasagasaan ang mga sindikatong nasa likod ng multi million illegal vendors operation sa Maynila na dahilan para mabulok at mapag-iwanan ang siyudad. VERLIN RUIZ
Comments are closed.