KASALUKUYANG dinidinig ng House Committee on Banking and Financial Intermediaries ang dalawang panukalang batas, ang House Bills 492 at 3975, na kapwa nagsusulong na amyendahan ang charter o batas na nagtatatag sa Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines, sa layuning paunlarin at mapalawak ang Islamic banking system ng bansa.
Ayon kay 2nd Dist. Leyte Rep. Henry Ong, vice-chairman ng nasabing komite na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, mahalaga ang natur-ang proposed bills, na isa rito ay iniakda ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo (HB3975), dahil susi ito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bagong bubuuing Bangsamoro Autonomous Region, gayundin ng Filipino-Muslim communities at urban areas sa iba’t ibang parte ng Filipinas.
“I am especially concerned and mindful of the necessity of financial inclusion to also cover Filipino-Muslims. Inclusion must include convenience, transparency, portability, and privacy security.
Upgrading and expanding Islamic banking and finance will help spur economic growth in the Bangsamoro Autonomous Region, as well as in Filipino-Muslim communities in Metro Manila and other urban areas Nationwide,” pahayag pa ng Leyte congressman.
Isa, aniya, sa mga dapat ikonsidera sa rekomendasyong maaprubahan ang nasabing amendatory bills ang pagkakaroon ng kaukulang sistema o koneksiyon, kabilang ang ‘inter-bank markets’ na akma sa ‘unique characteristics’ ng Islamic banking.
Mismong si dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr. ang nagrerekomenda na magkaroon ng ‘regulatory at supervisory framework’ upang magkaroon ng patas na kompetisyon kung saan maaaring makasabay ang Islamic banking system sa ‘conventional banking’.
“The privileges that are available for conventional banks must also be available to Islamic banks. In the same vein, the prudential requirements that cover conventional banks, must also apply to Islamic banks. The design and implementation of standards, of course, would need to take into account, the particular characteristics of Islamic finance,” sabi pa niya.
Sinegundahan naman ni Ong ang pahayag na ito ng BSP governor at iginiit na makikinabang ang overseas Filipino workers (OFWs) sa pagpapabuti at pagpapalakas ng Islamic banking system sa Filipinas, lalo na sa pagkakaroon ng banking transactions ng mga bansa sa Middle East, Southeast Asia at Africa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.