ISOLATION FACILITIES SA MGA BUNTIS NA PULIS

Vicente Danao jr

MULA  sa  limang containerized van, lumikha ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng isolation facilities para sa mga buntis na pulis.

Ayon kay NCRPO Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang nasabing isolation facilities ay sadyang dinisenyo para  ma-isolate ang police-women na buntis na nagpositibo sa COVID-19 at nakakaranas ng mild symptoms gaya ng hirap sa paghinga.

Ani Danao, layon nito na agad mabigyan ng paunang medical attention ang mga pulis na infected ng COVID-19 at nasa emergency situation habang naghihintay na magkaroon ng bakante sa mga hospital na maaring pagdalhan sa kanila.

Nitong nakalipas na Linggo, pinasinayaan ang nasabing  bagong isolation facility sa loob ng PNP-NCRPO headquarter sa Taguig City na binuo mula sa limang container vans na may 10 bed capacity, may sariling comfort rooms, oxygen at air conditioned unit.

Mismong si PNP Chief Gen. Debold Sinas ang nanguna sa naturang pagpapasinaya  kasama ang mga matataas na opisyal ng PNP Command Group na sina Lt.Gen. Guillermo Elea­zar at Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag.

Dahil dito, pinapayagan na ng PNP na ang mga buntis na babaeng pulis na mag-work from home para maiwasan na mahawaan ng CO­VID-19.

Ayon kay Sinas, noong siya pa ang pinuno ng NCRPO ay may dalawang insidente na nagkaroon ng miscarriage ang dalawang buntis na babaeng pulis matapos magpositibo sa COVID-19 kaya ayaw na nilang magkaroon ng kahalintulad na pangyayari  kaya pinapayagan na ang mga buntis na pulis na mag-work from home.

“So my directive now is that pregnant policewomen are automatically allowed to work from home. We cannot bear incidents wherein our pregnant personnel [will have] difficulty breathing,” ani Sinas. VERLIN RUIZ

Comments are closed.