Ayon sa Pangulo, maaaring makakuha ng mas murang fertilizer sa pamamagitan ng G2G deals.
“Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba. Sige bigyan ninyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point of G2G,” pahayag ng Pangulo sa agriculture officials makaraang makipagpulong sa Bureau of Soils and Water Management sa Convention Hall sa Quezon City.
Nais ding makipagpulong ni Marcos sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia, at Russia para sa pagbili ng fertilizers.
“I’m thinking would it be useful for us if sulatan ko silang lahat… and I’ll say that we are in the market to buy this volume of fertilizer,” ayon pa sa Pangulo.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang agriculture officials na magbigay ng datos kaugnay sa pinagkukunan o supplier ng fertilizers at presyo nito, gayundin ang distribution plan ng kagawaran sa panahon ng planting season.
Magugunitang nagdesisyon si Marcos na pansamantalang pamahalaan ang DA upang agapan ang lumalalang krisis sa pagkain.
Aniya, ang pinakamatinding hamon na isyu ngayon na dapat matutukan ay ang agricultural sector, kasama na ang rice production at pagreorganisa sa DA at sa mga ahensiyang nasa ilalim nito.
EVELYN QUIROZ