IHIHIRIT ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkakaloob ng internet subsidy sa pinakamahihirap na estudyante sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagbabago sa sistema ng edukasyon kung saan bukod sa physical classes ay magkakaroon pa rin ng online classes.
“We will have both physical face-to-face classes and both internet-based learning. This is the future of learning that we should look at. We cannot just go purely face-to-face or purely internet, it has to be a combination,” paliwanag ng senador.X
Ayon sa chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ‘vulnerable country’ ang Pilipinas na madalas nakararanas ng mga kalamidad tulad ng pagputok ng bulkan, bagyo at iba pa.
“We have to make sure in any event that learning will continue, the only way to do that is to use internet,” aniya.
Sa kasalukuyan ay may P20 bilyong pondo na inilaan ang Department of Education (DepEd) para sa pagbili ng gadget sa ilalim ng kanilang information technology program.
Bagama’t tinutugunan na ng pamahalaan ang paggamit ng teknolohiya sa panig ng mga guro, iginiit ni Gatchalian na kailangang solusyunan ang problema sa mabagal na koneksiyon ng internet.
“We will now address the issues of the teachers, but we should also address the issues of the learners because some of them don’t have access to the internet because of the cost and we have to look into that and that is not in the budget yet,” ani Gatchalian.
“I am going to file a bill to provide subsidy for very poor students to have access to the internet. We have to make sure that they have access to internet and internet is becoming a basic necessity just like water and electricity,” dagdag ng senador. VICKY CERVALES