ISYU NG MATINDING PAGBAHA SA BANSA KAILANGANG TUGUNAN

JOE_S_TAKE

HINDI lingid sa kaalaman ng iba na ang Pilipinas ay isang archipelago. Ibig sabihin, ito ay binubuo ng mga isla na napaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig gaya ng lawa, dagat, at karagatan.

Bunsod din ng lokasyon ng Pilipinas, tayo ay kasama sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire kaya  madalas tayong nakararanas ng paglindol at ng mga bagyo. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilang bulkan sa bansa ay aktibo gaya ng Taal. Kasabay ng paglala ng isyu ng climate change ay ang pagtaas ng posibilidad ng mas madalas na pananalanta ng malalakas na bagyo na karaniwang nagreresulta sa matinding pagbaha sa mga lugar na apektado nito.

Tinatayang umaabot sa karaniwang bilang na 20 ang dami ng bagyong dumadaan sa ating bansa kada taon. Tayo ay mapalad kung ang bagyong daraan ay mahina lamang at kung ito ay mabilis lalabas ng bansa. Subalit, may mga pagkakataon na mayroon talagang malalakas na bagyo na nananalanta sa bansa. Mayroon ding mga pagkakataon kung saan ang paglabas ng bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay hindi nangangahulugan na hihinto na rin ang matinding pag-ulan dahil kadalasan ay may epekto pa ang paggalaw ng hangin gaya ng southwest monsoon o mas kilala natin sa tawag na Habagat.

Isang magandang halimbawa ay ang kadadaan lamang na bagyong Fabian. Ika-16 ng Hulyo nang ito ay nabuo sa loob ng PAR. Ito ay nanatili sa bansa sa loob ng isang linggo at tuluyang lumabas sa PAR noong ika-23 ng Hulyo. Sa kabila ng pag-alis ng bagyo, nananatili ang matinding pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa Luzon at Western Visayas dahil sa Habagat. Alam naman natin na kasunod ng matagal at matinding pag-ulan ay ang panganib ng landslide at ang matinding problema ng pagbaha.

Ilang lugar sa Metro Manila gaya ng Mandaluyong, Manila, at Quezon City ay nakaranas ng pagbaha dahil sa matinding pag-ulan. Maraming sasakyan ang hindi makatawid sa mataas na tubig. Lalo ring naging mahirap para sa ilan ang bumiyahe papunta sa mga vaccination site upang makapagpabakuna. Tayo ay nasa kritikal na panahon dahil sa isinasagawang programang pagpapabakuna ng bansa kontra COVID-19. Upang maabot ang ating target na 70 milyong indibidwal na mabakunahan sa pagtatapos ng taon upang makamit ang herd immunity, tinatayang nasa 350,00 hanggang 500,000 bakuna kada araw ang kailangang maipamahagi kaya napakahalaga na masigurong tuloy-tuloy ang programa anuman ang sitwasyon ng panahon.

Maaaring maituturing na pinaka-pangkaraniwang uri ng kalamidad ang pagbaha ngunit ito rin ang itinuturing na isa sa may pinakamatinding epekto. Ito ay lubhang mapanganib para sa mga mamamayan. Nariyan din ang mga sira na maaari nitong maidulot sa mga gusali at establisimiyento. Maging ang operasyon ng ekonomiya ay maaaring maantala ng matinding pagbaha gaya ng nangyari noong bagyong Ondoy noong 2009. Ayon sa World Bank, katumbas ng 2.7% ng ekonomiya ng bansa ang nawala sa Pilipinas bilang resulta ng pananalanta ng bagyong Ondoy. Matapos ang ilang taon, naulit ang matinding pagbaha sa Metro Manila nang manalanta sa bansa noong nakaraang taon ang bagyong Ulysses.

Mas malaki ang ginagastos ng pamahalaan matapos ang isang kalamidad, kumpara sa maaaring gastusin nito kung may mga programang nakatutok sa pag-iwas sa matinding epekto ng kalamidad gaya ng pagbaha. Ilang magandang halimbawa ng proyektong tumutugon sa suliranin ng pagbaha ay ang Stormwater Management and Road Tunnel (SMART) ng Malaysia at ang imprastraktura sa Japan na may lalim na limang palapag na naglalabas ng tubig sa Edo River. Ang SMART ay ang pinakamahabang lagusan ng tubig sa Timog Silangang Asya at ito ay nagkakahalagang $514 milyon. Ito ay naitayo ng Malaysia sa loob lamang ng apat na taon bilang tugon sa matinding pagbaha sa Kuala Lumpur. Inabot naman ng 13 taon bago natapos ang imprastraktura sa Japan na nagkakahalagang $3 bilyon. Ito ang itinuturing na pinakamalaking underground flood diversion facility sa buong mundo.

Noong taong 2012 ay inilunsad ng pamahalaan ang Flood Management Master Plan para sa Metro Manila. Bahagi ng planong ito ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga pumping station sa rehiyon na siyang maglalabas ng tubig habang may baha. Kasama rin sa planong ito ang pag-relocate ng mga informal settler na naninirahan sa mga lugar na malapit sa mga daanan ng tubig upang maiwasan ang polusyon. Kailangan ding makahanap ng mga bagong daanan na maaaring labasan ng tubig baha. Maging ang pagpapababa ng polusyon sa Manila Bay ay bahagi ng planong ito. Tumutulong din ang lokal na pamahalaan sa pagsiguro na maayos ang drainage system ng kanilang lugar sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay laban sa hindi tamang pagtatapon ng mga basura.

Ang patuloy na pagbaha sa bansa tuwing may bagyo at may matinding pag-ulan ay patunay na kailangan pang paigtingin ng pamahalaan ang mga naumpisahang proyekto na naglalayong tumugon sa suliranin ito. Gaya ng Malaysia at Japan, tila kailangan din nating mamuhunan sa isang malaking proyekto na may pangmatagalang epekto sa ating sitwasyon.

Malaking tulong din kung mapaglalaanan ng pondo ang mga programang gaya ng project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) na nakapagbibigay ng scientific at real time na impormasyon na nakapokus sa kada lugar. Ayon kay Mahar Lagmay, ang executive director of Project NOAH, mahalaga ang ganitong uri ng teknolohiya sa mga bansang kagaya ng Pilipinas na natural nang dinaraanan ng iba’t ibang kalamidad.

Ang problema sa pagbaha ay isang problemang madalas kinakaharap ng bansa. Dapat ay isa rin ito sa mga pagtuunan ng pansin na matugunan sa lalong madaling panahon, lalo na ngayong panahon nanaman ng tag-ulan. Napakahalaga na mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan kapag may kalamidad lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil ito ay maaaring makaapekto sa ating laban kontra COVID-19 kaya kinakailangang maging maagap ang ating pamahalaan.

159 thoughts on “ISYU NG MATINDING PAGBAHA SA BANSA KAILANGANG TUGUNAN”

  1. All trends of medicament. drug information and news for professionals and consumers.
    ivermectin 3
    Definitive journal of drugs and therapeutics. earch our drug database.

  2. drug information and news for professionals and consumers. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    https://levaquin.science/# cost of cheap levaquin without prescription
    Everything information about medication. Actual trends of drug.

  3. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    order nexium online
    Everything about medicine. Everything information about medication.

  4. Somebody essentially lend a hand to make seriously articles I might state. This is the first time I frequented your web page and so far? I surprised with the analysis you made to make this actual submit amazing. Wonderful task!
    Fantastic website.“부산비비기”
    A lot of useful info here. I am sending it to a few buddies ans also sharing in delicious. And obviously, thank you for your effort!

Comments are closed.