(Itatayo sa Metro Manila) CONDOTEL PARA SA SEAFARERS

Transportation Secretary Arthur Tugade-2

MAGTATAYO ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ng Condotel sa Metro Manila para sa mga seafarer.

Ito’y sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng Department Transportation (DOTr), Marino partylist at ng Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines kasabay ng ika-47  anibersaryo ng Marina.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang naturang proyekto ay magandang balita sa mga marino para doon sila pansamantalang mamalagi.

Dagdag pa ng kalihim na karamihan sa mga marino ay galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa at walang matuluyan pagdating ng mga ito sa Maynila.

Ang naturang proyekto ay bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga marino sa ekonomiya ng bansa dahil sa kanilang remittances. DWIZ 882

6 thoughts on “(Itatayo sa Metro Manila) CONDOTEL PARA SA SEAFARERS”

Comments are closed.