(Itinaas sa 7k) DEPLOYMENT CAP SA HEALTH WORKERS

INIHAYAG ng Malacañang na itinaas na sa 7,000 mula sa 6,000 ang annual cap para sa deployment ng mga bagong hire na health workers sa ibang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 153 na ang mga nurse na ang kontrata ay mapapaso sa December 31 ang isasaprayoridad sa tinaasang ceiling para sa deployment.

“Tinaasan sa 7,000 ang 2021 annual deployment ceiling ng mga bagong hire na healthcare workers para sa mga trabahong natukoy ng Department of Labor and Employment bilang mission critical skills,” sabi ni Nograles.

Huling itinaas ng IATF ang annual cap sa 6,000 mula 5,000 noong June 2021.