(Itinakda ng DA)P170/K SRP SA PULANG SIBUYAS

NAGLABAS ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) para sa pulang sibuyas sa wet markets sa Metro Manila kasunod ng pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura.

Itinakda ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang P170 per kilogram na SRP sa pulang sibuyas sa wet markets sa Metro Manila base sa Administrative Circular 09 na may petsang October 7, 2022,

“In order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” nakasaad sa circular.

Hanggang nitong Okt. 7, batay sa datos ng DA, ang presyo ng local red onion sa mga pamilihan sa Metro Manila ay may average na P200 kada kilo.

Angsektor ng agrikultura ay nagtamo ng mahigit sa P3 billion na halaga ng pinsala mula sa pananalasa ng bagyong Karding.