(Itinutulak ng DTI) INCENTIVES SA ‘FULLY VACCINATED’

Ramon Lopez

ISINUSULONG ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagkakaloob ng insentibo sa mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang mga posibleng insentibo ay ang pagpapahintulot sa mga ‘fully vaccinated’ senior citizen na makapunta sa mga pampublikong lugar at ang pagluluwag sa travel protocols na makatutulong sa mga investor.

“We just hope that moving forward, as we get to vaccinate more, we start to reopen further, especially give the benefits sa mga nabakunahan na,” wika ni Lopez sa  ceremonial inoculation ng essential workers.

“Sana may maramdaman din silang benepisyo… Iyong mga bawal ngayon, sana payagan na,” aniya.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.  na pinag-aaralan na ng inter-agency task force on COVID-19 ang mga ipagkakaloob na insentibo sa mga bakunado.

“We are considering na bigyan ng (giving) some sort of opening of restrictions to those people who will be vaccinated,” pahayag niya sa parehong event.

3 thoughts on “(Itinutulak ng DTI) INCENTIVES SA ‘FULLY VACCINATED’”

Comments are closed.