(Itinutulak sa Kamara) RENEWABLE ENERGY VS EL NIÑO

RENEWABLE-ENERGY

IMINUNGKAHI ni AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang paggamit ng renewable energy na magtitiyak ng mahusay na paggamit ng tubig at magpapahusay sa produktibidad ng pananim.

Ngayong inanunsiyo o na ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño, napakahalaga, aniya, na gumawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga masamang epekto ng El Biño, lalo na sa sektor ng agrikultura.

Isa sa kanyang itinutulak ang paggamit ng solar powered water supply system lalo na para sa malalayong lugar.

Ayon kay Co, subok na nila sa Bicol ang solar powered water supply system sa pagbibigay ng malinis na tubig, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng stable na supply.

Naniniwala ang kongresista na bukod sa tamang paggamit at pamamahala sa water resources ay kailangan ding sumubok ng mga makabagong teknolohiya para matiyak ang kahandaan sa pagtugon ng bansa sa epekto ng El Niño.

Sinabi ng PAGASA na hindi pa nararamdaman ng bansa ang buong epekto ng El Niño, na posibleng magpapatuloy hanggang sa unang quarter ng 2024.

-DWIZ 882