MALIBAN sa kani-kanilang career sa telebisyon ay magkatulong sa negosyong sportswear online ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano na parehong nasa GMA network. Hindi nagpapahuli sina Drew at Iya Villania pagdating sa business.
Dahil mahilig sa sports at active ang lifestyle ng mag-asawa, kaya performance wear o sportswear naman ang kanilang naging negosyo. Vamos ang pangalan ng kanilang brand at mayroon silang mga produkto para sa bata at matanda, babae at lalaki. Kasama nila sa negosyong ito ang kanilang mga kaibigan na sina Javy Olivares, isang businessman at si Hannah Romawac, dating bokalista ng bandang Session Road.
Ayon kay Iya, maganda ang kita ng negosyo nilang ito. Si Drew naman ay patuloy na pinatatakbo ang sariling barber shop na Gruppo Barbero Manila na kanya pang minana sa napayapang daddy na si Atty. Atonio “Aga” Arellano.
AVID RAZUL AT KIM MADISON, CO-PRODUCERS
MAGKATULONG SA INDIE ADVOCACY FILM NA ‘LUKAS’
DAHIL dati siyang alaga ni late Direk Maryo J. Delos Reyes, may natutunan ang indie actor na si Avid Razul sa nasabing manager pagdating sa paggawa at pagbuo ng isang pelikula. Kaya hinikayat ni Avid ang model-actress na si Kim Madison at mga kakilalang sina CPL, LMP at si Ma’am Jhercel Anne Lusaya na somosyo sa binuo nilang Magic V Film Production. May pagbibidahang movie si Avid na “Lukas.”
Masaya ang lahat sa finished product ng kanilang film na kapupulutan ng aral ng mga manonood. Pawang mahuhusay na actor ang sumuporta kay Avid at Kim sa pelikula nilang ito na kinabibilangan nina Rez Cortez, Soliman Cruz, Cloyd Robinson, Janice Jurado, Jao Mapa, Channel Latorre etc. Bongga dahil may premiere night nitong nakaraang Sabado, July 28 sa SM Fairview Cinema 4 at 7 PM na dinaluhan ng buong cast at ilang invited stars. Sina Avid at Kim rin pala ang kumanta ng theme song ng Lukas na may titulong “Palantadaan.”
MR. POGI LIMITED EDITION IBINALIK SA
40TH ANNIVERSARY NG EAT BULAGA
AFTER Jericho Rosales na big star na ngayon at iba pang sumunod sa kanyang winners sa “Mr. Pogi,” sino kaya sa mga daily winner ang ta-tanghaling bagong Mr. Pogi na sa pagbabalik ng limited edition nito, may chance na ma-penetrate ang showbiz at puwedeng sumikat na tulad ni Echo.
Maliban sa taglay na kaguwapuhan ay dapat talented ka para mas malaki ang chance na masungkit ang titulo na magbabago sa iyong kapalaran.
Si Dabarkads Alden Richards ay nagkainteres rin pa lang sumali noon sa Mr. Pogi, kaso ayon sa Kapuso actor ay wala raw siyang pamasahe noong mga panahong iyon na gustuhin man niya ay hindi ito nangyari. Pero sa ibang paraan ay natupad pa rin nito ang kanyang pangarap na sumikat bilang artista at singer.