INAASAHAN tataas pa ng hanggang P133 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa gaganaping lotto draw sa Linggo ng gabi.
Ito, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay matapos na wala pa ring makapag-uwi sa naturang jackpot prize sa naganap na lotto draw nitong Martes ng gabi.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, walang nakahula sa winning combination na 19-38-48-30-06-46 na may katapat na premyong P127,914,574.80 kaya’t inaasahang tataas pa ang papremyo sa susunod na bola.
Gayunman, mayroong apat na bettors ang muntik nang maging instant milyonaryo matapos na mahulaan ang limang tamang numero at nakapag-uwi sila ng second prize na tig-P120,000.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo ngunit walang selling at walang lotto draw ang PCSO sa Biyernes, na natapat sa araw ng Bagong Taon.
Kaugnay nito, hinikayat namang muli ni Garma ang publiko na tumaya sa mga PCSO games, partikular na ang lotto, dahil sa halagang P20 lamang ay may tiyansa nang maging instant milyonaryo at nakatulong ka pa sa mga nangangailangan nating mga kababayan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.