JAIL BREAK: 15 PRESO NAKAPUGA

preso

PATULOY ang isinasagawang pagtugis ng pulisya  sa 15 persons under police custody (PUPC) na nakapuga sa temporary detention facility sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Caloocan Police chief Col. Dario Menor, ang nasabing mga preso ay nakatakas dakong ala-1:50 ng madaling araw mula sa binutas na pader subalit, agad namang naaresto ang dalawa sa kanila habang ang isa pa ay nadakip ng Trackers Team sa tulong ng kanyang mga magulang na nakilalang si Harris Danacao, 23-anyos ng 484 Kabulusan St. Brgy. 20 na may kasong illegal drugs.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, kinilala ni Menor ang iba pang nakapuga sa custodial extension facility na matatagpuan malapit sa bagong Caloocan City Hall na sina Martin Mama, 46-anyos,; Gerrymar Petilla, 21-anyos; Hudson Jeng, 42-anyos; Aldwin Jhoe Espila, 25-anyos; Reymark Delos Reyes, 27-anyos; Norbert Alvarez, 35-anyos; Mark Oliver Gamutia, 21-anyos; Jovel Toledo, Jr. 27-anyos; Arnel Buccat, 19-anyos;Raymond Balasa, 35-anyos;  Reynaldo Bantiling, 35-anyos at Justine Tejeros, 22-anyos na may mga kasong illegal drugs, carnapping, robbery extortion, theft, alarm and scandal at unjust vexation.

Sinabi pa ni Menor, ang kanilang custodial extension facility ay inilaan pa sa PUPC na naibigay na ang commitment order ng korte para sa kanilang paglipat sa Caloocan City Jail (CCJ) subalit dahil may banayad silang sintomas ng COVID-19, habang ang iba ay nagpositibo sa isina-gawang rapid test ay kinailangan silang i-quarantine ng 21-araw sa kanilang extension facility.

Kinumpirma rin ni Menor na dalawa sa mga nakatakas ay nagpositibo sa isinagawang rapid test noong Oktubre  2 habang ang 10 iba pa ay hindi pinayagan ng mga health officer ng CCJ na ilipat sa kanilang facility dahil sa kanilang health reason.

Dahil dito, ipinag-utos na ni Menor ang pagsibak sa dalawang naka-duty na pulis nang maganap ang insidente. EVELYN GARCIA 

Comments are closed.