KAPUNA-PUNA sa pagpasok ng Year of the Pig ay hindi na nakikitaan ng sexiness sa telebisyon ang young Kapuso hunk na si Jak Roberto. Maging sa regular show niyang “Bubble Gang” kung saan ay palaging may topless na eksena siya ay unti-unting nababawasan o totally wala na muna sa ngayon. Maging sa latest teleserye niya, after ‘Contessa’ kung saan ay talagang palaban sa kaseksihan si Jak ay masasabi ring wala siyang sexy scene o naka-topless man lang.
Say ni Jak, para naman daw mayroon changes sa kanyang image at mapansin naman ang kanyang acting ay bawas-bawas na muna siya sa pagpapa-sexy. Kung kaya expect na more heavy drama kay Jak sa “Kara Mia” nila nina Barbie Forteza, Mika dela Cruz at Paul Salas kasama rin sina Carmina Villaroel at John Estrada.
Say pa rin ni Jak, mas tututok din daw siya sa paggawa ng movies ngayong taon. Paano naman kung bigyan siya ng sexy movie, tanggapin kaya ni Jak ito gayun he is more on acting side than sexiness? Ani ng actor, depende raw ito sa magiging proyekto, willing siyang magpa-sexy ng todo pero depende sa project at kung sino-sino ang kanyang makakasama at director. Hindi naman daw feel ni Jak na masabi lang may launching movie pero kalaswaan lang ang ibebenta.
DABARKADS MAUREEN WROBLEWITZ IN LOVE SA ISANG KAPAMILYA SINGER
ITEM na bang maituturing sina Dabarkads Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo, kung pagbabasehan ang sweet talks nila sa kanya-kanyang social media account?
Sa gitna ng kontrobersiya na kinasasangkutan ni JK Labajo sa ‘gay issue’ ng isa pang Kapamilya singer na si Darren Espanto, ay good vibes naman ang hatid sa pagitan nila ni Maureen. Tsikang may magandang relasyon na namumuo na sa dalawa.
Unang nagsama sina JK at Maureen sa isang music video ng kanta ni JK na ‘Buwan’. Super sweet ang dalawa sa naturang MTV at maraming kinilig. Ang hindi alam ng lahat na pagkatapos pala ng shoot ng MTV ng dalawa ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan at tila nauwi na nga ito sa pag-iibigan.
Ang tanong ng marami si JK ba ang dahilan kung bakit naudlot ang natsitsismis na ‘panliligaw’ diumano ng Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid? At kung magsyota na nga sina Maureen at JK, masasabing another Kapuso actress ang nabihag ng isang Kapamilya singer, una na ang relasyong Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
And speaking of ‘Buwan’ marami ang nagsasabing malaki ang naging factor ni Maureen na mapabilang sa dabarkadahan ng “Eat Bulaga” dahilan sa muling naging hit ang kanta na ito ni JK. Napansin na kasi ang kanyang byuti at nakilala na siya ng masa kumpara noong manalo siya bilang kauna-unahang Asia Next Top Model reality contest.
Last year pa ito ni-release pero ngayon lang ito unti-unting napapansin ng mga music lover. Nag-trending pa nga ang kanta sa mga netizen at ginawan nila ito ng kanilang sariling bersiyon.
Comments are closed.