MARAMI ang humanga sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca dahil tinupad niya ang pangakong dadalawin ang Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala sa insidenteng kinasangkutan niya noong nakaraang buwan. Sa kanyang Instagram post, inilabas ni Jake ang mga litrato sa kanyang naging pagbisita sa driver na si Eleazar Martinito.
“Masaya akong nagkaroon ako ng pagkakataong madalaw ang Grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” ayon kay Jake. “Taos-pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat si Jake dahil maayos na ang kalagayan nito at nakalabas na ng hospital. “Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya,” tuwang-tuwang sabi pa ni Jake.
Sa pagdalaw ng aktor kay Eleazar ay napag-alaman ni Jake na hindi pa rin ito nakababalik sa trabaho sanhi ng aksidenteng kinasangkutan.
KRIS AT DYOWA, SA FASTFOOD ANG FIRST DATE
Sa kanyang IG account noong Linggo, November 7, ibinalita ni Kris ang pagdalo nila ni Mel sa isang kasalan. Pagkatapos ng wedding, nakasoot pa rin ng blue gown si Kris at barong Tagalog naman ang dating DILG secretary, dumaan sila isang fast food para magpalipas ng oras.
Ayon pa kay Kris, masaya pala ang buhay ng isang normal o regular na tao. Ani Kris, “It was more than 3 hrs to get back kaya nag-stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic, naaliw sa akin, everyone with me, especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person.”
Kaso, panira raw ng trip ang kanyang make-up artist dahil sinabihan silang wala namang kumakain sa fast food ng naka-gown. May punto nga naman si RB Chanco. Pero “first date” daw nila ng fiancé na si Mel kaya walang basagan ng trip.
“I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us,” ani Kris. “1st time Mel & I ever ate out so you can say it was our 1st date – we won’t forget you.”