JAMES PINAKABA ANG HOTSHOTS

on the spot- pilipino mirror

HINDI naging sagabal ang 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes upang hindi matuloy ang Game 4 ng Magnolia at Rain or Shine. Subalit bago nagsimula ang  laro kinagabihan ay nag-alay ng panalangin ang liga para sa kaligtasan ng mga kababayan natin, sa pangunguna ni  PBA  Commissioner Willie Marcial.

Nanalo sa Game 4 ang Hotshots, 94-91, para maitabla ang PBA Phillipine Cup best-of-seven semifinal series sa 2-2.

Gumawa si Ian Sangalang ng 19 points at 10 rebounds, habang nag-ambag sina Paul Lee ng 15 puntos at 5 boards, Justin Melton ng 11 points, at Rome dela Rosa, Jio Jalalon at Rafi Reavis ng tig-10 points. Umabot sa 21 points ang kalamangan ng Magnolia.

Ngunit bago naiuwi ng Magnolia ang ikalawang panalo ay nanginig muna ang kanilang mga tuhod dahil humabol ang RoS, sa pangunguna ni James Yap. Bago ang final buzzer ay lumapit ang Elasto Painters sa 92-91. Hindi humihinga ang mga player ng Hotshots habang pinanonood si Yap kung papasok ang 3 points nito sa huling 1.01 segundo ng laro.



Hindi na natapos ni RoS  head coach Caloy Garcia ang laro dahil pinalabas ng hardcourt ang mama makaraang bigyan ng dalawang technical fouls bunga ng  labis na pagrereklamo sa bawat tawag na foul sa kanyang mga player. Hindi natin masisisi si coach Garcia dahil kahit manipis na foul ay tinatawag ito ng mga referee. Posibleng pagmultahin ito, ngunit hindi naman kalakihan .

Malamang na ipatawag din ni Commissioner Willie Marcial ang isa sa utility boys ng Elasto Painters na si Erwin na nagmura umano  sa likod ng bench ng Magnolia nang dumaan siya para  puntahan si coach Garcia sa dugout. Muntik nang magkagulo nang bumalik ito para dumaan sa likod ng bench ng Hotshots. Hinarap siya ni asst. team manager Itoy Esguerra, buti na lang at naawat agad ang init ng ulo ni Esguerra kahit lamang pa ang team.

Comments are closed.