JAMES REID WALANG ‘K’ MAGING HURADO NG IDOL PHILIPPINES

JAMES REID

SA mga nang-iintriga kay James Reid kung may ‘K” ba itong maging isa sa mga hurado sa “Idol Philippines,” ang sagot ay loud ‘yes!.

Well, ang bilis naman kayo makalimot na itong si James ay mas gustong maging singer noon kaysa umarte sa harap ng kamera kaya lang mas nauna ang kanyang pag-aartista.

Maging singer talaga ang pangarap ni James pero naging artista muna siya bago natupad ang ambisyon niyang magkaroon ng record album sa sariling music label, ang Careless Music. And just  to refresh, siya ang winner sa Best Southeast Asia Act category ng MTV Europe Music Awards noong 2017.

Siya rin ang nanalong Male Artist of the Year, Artist of the Year, at ang kanyang single na “Cool Down” ang Song of the Year ng 2018 MYX Music Awards.

Nagsimula nang mag-taping si James Reid bilang isa sa apat na hurado ng Search for the Idol Philippines, ang talent competition ng ABS-CBN.

Si Billy Crawford ang host ng show at sina Regine Velasquez, Vice Ganda at Moira dela Torre ang co-judges ni James.

Ayon sa tsika, masaya siya na naging judge sa “Idol Philippines” dahil bago ito sa kanya.  Nakadagdag sa excitement nito na makakatrabaho nito sa unang pagkakataon si Regine kaya grateful siya sa inclusion niya sa upcoming singing competition ng Kapamilya Network.

JAYA WALANG UTANG NA LOOB SA KAPUSO

“THE years that I spent with GMA7 are very precious to me,” panimula ni Jaya sa panayam sa kanya na may kinalaman sa kanyang gagawing concert ngayon Abril para ipagdiwang ang kanyang ika-30 anibersaryo sa showbiz.

“Contrary roon sa mga sinasabi ng tao na wala akong utang na loob, you know, that’s a place I had two marriages and my chil-dren. I had One Proud Mama, All Star K, Party Pilipinas, SOP, and Sunday All Stars. I did soaps. Ang damirami kong natutunan sa GMA and I think, you know, we are given such seasons sa buhay natin na may season na ito ‘yan, tapos ito naman, tapos ito naman. Ang damirami kong natutunan and napakaraming nangyari sa buhay ko because of GMA.”

Nang magdesisyon si Jaya na lumipat sa ABS-CBN, ay transition period para sa kanya. “But like I said, the season now is change. And with that change, I had to be very brave.

I’m not saying that it wasn’t better then, but natapos ‘yung season na ‘yun, e. And when it ends, you have to find another place of work and ABS was really the next step, but I didn’t know how to do it,” pagpapatuloy nito.

Sa kabilang banda ay inamin ni Jaya na masu­werte siya dahil nasa ABS-CBN na siya for three years at sa panahong ito ay nag-ing hurado siya sa Tawag Ng Tanghalan. Aniya, “I am so grateful for GMA and all the people I’ve worked with. And now, I’m super grateful to Cornerstone and ABS because they really… parang I was put in a good place, in a good home.”

Ito rin ang rason kung bakit hindi siya napi-pressure sa kanyang gagawing concert sa Abril. As in, walang stress na na-raramdaman, walang ikatatakot, ikahihiya at ikanenerbiyos dahil plantsado na ng Diyos ang lahat.

Ipagdiriwang nito ang kanyang ika-30 na taon sa show business sa pamamagitan ng isang concert na pinamagatang At Her Fin-est sa April 3 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

Comments are closed.