JAMES TODO PAGHAHANDA SA GAME 5

Lebron

ANG dagdag na araw ng pahinga bago ang NBA Finals Game 5 sa Biyernes (Sabado sa Manila) ay nangangahulugan ng dagdag na panahon para magawa ni 16-time All-Star LeBron James ang pinakagusto niya: ang maghanda.

Makaraang magbuhos ng 28 points, 12 rebounds at 8 assists upang palobohin ang kalamangan ng Los Angeles Lakers laban sa Miami Heat sa 3-1 sa NBA Finals noong Martes, sinabi ni James na ninanamnam niya ang panahon sa pagpapahusay sa kanyang laro.

“I’m excited about our meeting tomorrow watching film and breaking that down and seeing things that we can do better,” pahayag ni James, 35, matapos ang 102-96 panalo.

“Seeing things that we did do well. Thinking about the adjustments that they possibly or will do, because I know (Heat head coach Erik Spo-elstra) going into Game 5.

“That’s the best part about it. It’s a chess match.”

Si James ay maraming maaasahang talento para sa kanyang ika-54 na NBA Finals game, kabilang si 27-year-old Anthony Davis, na nagningning sa buong  best-of-seven series, sa pagkamada ng average na 25.8 points per game at naging contender para sa MVP title.

“His ability to play one through five, guard anybody on the floor, take the challenge, not only guard on the perimeter, continue to protect the paint. Guards drive on him. It’s hard to score on him,” sabi ni James.

Nakatakda ang Game 5 sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Comments are closed.