JANINE GUTIERREZ BEST ACTRESS SA QCINEMA

NANALO ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa Asian New Wave The pointCompetition ng ika-7 edisyon ng Quezon City International Film Festival bilang best actress. Kinabog niya ang kapwa Asian actresses para sa kanyang pagganap sa pelikulang Babae at Baril.

Itinanghal naman bilang best actor si Por Silatsa para sa pelikulang The Long Walk mula sa Laos.

Ang pelikulang Cleaners ni Glenn Barit na isang nostalgic coming-of-age film tungkol sa mga estudyante sa Tuguegarao noong taong 2007-2008 ang nanalong best film.

Nag-uwi rin ito ng tropeo para sa best screenplay at audience choice award.

Ang Chinese director na si Qui Sheng naman ang pinagkalooban ng NETPAC Jury Prize para sa pelikulang Suburban Birds, samantalang ang first time director na si Rae Red ng Babae at Baril ang itinanghal na best director.

Ang Babae at Baril din ang itinanghal na Audience Choice awardee.

Si Lee Chatametikool ng Thai-German film na Nakorn-Sawan naman ang nakakopo ng award para sa best artistic contribution para sa film editing.

Sa short film category, panalo ang Judy Free ng UP film graduate na si  Che Tagayamon bilang best short film samantalang ang Special Jury Prize ay ipinagkaloob sa Bontoc-based filmmaker na si Carla Pulido Ocampo.

Ang comedy short na Excuse Me Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento ang waging audience choice awardee.

Ang mga hurado para sa Asian Next Wave category ay kinabibilangan ng multi-awarded screenwriter at Plaridel awardee na si Ricky Lee, film critic na si Richard Bolisay at mga acclaimed filmmakers na sina Toshiyuki Hasegawa, Phan Dang Di, and Claire Marty.

Sa QCShorts competition category, jury members naman sina  Sari Dalena, Jun Sabayton, at Benjamin Tolentino.

Binigyan din ng karangalan bilang Lifetime Achievement Awardeee ang film producer na si Vic del Rosario, Jr. dahil sa kanyang ‘di mata-tawarang ambag sa pagsusulong ng pelikulang Pinoy.

Ang 7th QCinema International Filmfest ay tatagal pa hanggang Oktubre 22 sa mga piling sinehan sa Quezon City tulad ng  Gateway Cineplex 10, Robinsons Movieworld Galleria Ortigas, Ayala Malls Cinema Trinoma, Cinema Centenario, Cinema 76 Anonas, at Cine Adarna.

Comments are closed.