JANINE GUTIERREZ ‘DI NAGPAKABOG SA INT’L BEAUTIES

AGAW-eksena ang beauty ni Janine Gutierrez nang dumalo siya sa New York The pointFashion Week kamakailan.

Nai-post niya ito sa kanyang social media account.

Sa nasabing okasyon, nakipag-rubbing elbows siya kina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters at sa pamosong Hollywood star na si Victoria Justice.

Saad ni Janine sa kanyang caption sa kanyang IG post : “SCENES FROM SHOW #1 of my #TRESNYFW …okay, I got so starstruck with @demileighnp @victoriajustice and all the models backstage at @rebeccaminkoff!! (lamang sila sa tulog, okay!!) so gorgeous … also sharing the looks and hairstyles – this show’s go-to: messy buns and undone waves. my favorites.”

Hindi nagkamayaw ang reaksyon ng netizens sa kanyang presence sa nabanggit na glamorosong pagtitipon.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens:”Lumaban ang ganda mo!” “Mas maganda ka pa sa kanila!!!!!!” “Sobrang pretty! Lumi-level sa international beauties” “Di talaga papakabog beauty mo Ms. Janine ” “Mas maganda ka girl!!”

Matatandaang matagal na noong inuudyukan ang Kapuso actress na sumali sa beauty pageants subalit ayaw ito kagatin ni Janine.

Katunayan, may mga nanghihinayang na hindi ganoon kaatat na pasukin ang mundo ng beaucon.

Marami kasing followers ang sampalataya hindi lang sa beauty niya kundi sa talino niya.

DATING ACTRESS NA SI DEBORAH SUN TIMBOG SA DROGA

NATIMBOG  ng mga operatives ng Quezon City Police at Philippine Drug DEBORAH SUNEnforcement Agency (PDEA) ang dating actress na si Deborah Sun kasama ang anak nitong si Angela Porcuna at dalawa pang kasamahan sa isang buy-bust operation na isinagawa sa isang condominium building sa Cubao kamakailan.

Ang iba pang kasama nila ay kinilalang sina Gerald de Guzman at Gonzalo Gonzales.

Nahaharap sila sa paglabag sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Sections 5, 11, and 12 ang kasong isinampa ng Que­zon City Police at PDEA laban sa apat na akusado.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihina­laang shabu, weighing scale, dalawang lighter, gunting, isang foil na improvised tooter, at isang tube improvised tooter.

Tinangka ni Angela na tumakas sa pamamagitan ng paglabas mula sa bintana ng eight-floor condominium unit na pag-aari ng aktres na si Ara Mina.

Tumawid siya sa kabilang unit na bukas ang bintana na ikinagulat ng mga residenteng pawang mga estudyante, na agad na nag-report sa security personnel building kaya natunton ng raiding officers ang kanyang kinaroroonan.

Natukoy at nakuha rin ng mga ahente ng PDEA ang mga plastic sachet na itinapon ng mga akusado mula sa bintana ng condominium unit.

Libre ang paninirahan ni Deborah at ng kanyang pamilya sa condominium unit ni Ara dahil sa kagandahang-loob at awa nito sa dating aktres.

Mariing itinanggi ni Deborah at ng mga akusado ang paratang na gumagamit sila ng illegal drugs, pero positive ang resulta nang sumailalim sila sa drug test.

Nakalagay sa report ng arresting officers na pinili ng mga akusado na manahimik hangga’t wala silang legal counsel.