JANINE GUTIERREZ IMBIYERNA SA BAGONG BISYO NG BF NA SI RAYVER

JANINE GUTIERREZ-12

HINDI na inilihim pa ng Kapuso aktress Janine Gutierrez ang kanyang pagka-wallfaceimbiyerna sa bagong pinagkakaabalahan ngayon ng boypren na si Rayver Cruz, at ‘yan ang pagkahilig ni Rayver sa larong kinahuhumali­ngan ngayon ng mga Pinoy sa internet, ang ML o mobile legend.

Ani ni Janine may mga times daw na tinatawagan niya ang boypren sa celfon nito pero ‘di raw ito sinasagot ng boypren. Natatapos lang ang ring ng kanyang call kay Rayver pero dedma ang boypren.

At nang matiyempuhan daw niya itong nakontak, nasabi ng boypren na nasa kalagitnaan siya ng paglalaro ng ML at ‘di niya maputol ang laro para masagot ang tawag ni Janine.

Say pa ni Janine, kikilalanin daw niya ang mga online gamers na ka­laro ng boypren at aawayin niya ang mga ito. Lambing naman ni Rayver kay Janine na ‘di niya raw alam na naiinis na sa kanya si Janine at para raw hindi na magtampo ang gf ay ide-delete na lang daw ni Rayver ang apps na kanyang mobile legend.

At nang natanong naman si Rayver kung medyo naba-badtrip siya na kung kailan nasa kainitan ang kanyang paglalaro ay saka naman tatawag si Janine?

Say ni Rayver, never daw siyang na-badtrip ‘pag ang kanyang  girlfriend ang tumatawag sa kanya kahit pa madedo ang karakter niya sa ML.

NORA AUNOR APRUB SA CHANGES NG SERYE PARA  SA MILLENNIAL AUDIENCE

IBA na ang role ng nag-iisang superstar ng bansa, na si Ms. Nora Aunor sa TV remake  1989 romance-drama movie, “Bilangin ang Bituin sa Langit”. Hindi na siya si Magnolia na ginampaman ngayon ni Mylene Dizon kundi si Ate Guy na ang ina ni Magnolia na si Cedes. Ano kaya ang saloobin ni Ate Guy sa pangyayaring ito?

Say ng superstar, nauunawaan naman niya ang  pagbabago at kailangan dapat naaayon sa henerasyon sa ngayon. Kailangan din na maka-relate ang mga millennial viewers sa serye nila kaya okey lang kay Ate Guy na iba na ang kanyang role.

Speaking of ‘bago’, ano naman kaya ang masasabi ni Ate Guy sa kasama niyang mga young stars tulad ni Kyline Alcantara? Mga propesyonal di-umano ang mga ito. Reding-redi na pagdating sa set. Kung kaya payo niya lagi sa mga baguhan para magtagal sa propesyong pinasok, ilagay sa puso ang karir na pinasok at laging konsentrasyon lang sa ginagawa.

Ano naman kaya ang say ni Ate Guy sa nabagong playdate ng movie na ginawa niya na dapat sana ay intended nitong nakaraan Metro Manila Film Festival, ang “Isa Pang Bahaghari” kasama sina Michael de Mesa at Philip Salvador? Hindi naman itinatago ni Ate Guy na kahit paano ay nasaktan siya ng di napili ang movie nila ng screening committees ng MMFF 2019, pero ginagalang naman daw niya ito. Ani pa ng superstar baka may ibang plano ang nasa Itaas para sa movie nila.

Comments are closed.